Mas binilisan ko pa ang paglangoy kahit na pakiramdam ko’y hindi naman talaga ako umuusad. Bagaman nasisiyahan ako na narito na siya ay hindi ko pa rin mapigilang isipin na baka isa lamang itong panaginip. Na ito’y bahagi nanaman ng aking kathang isip.
Sumabay siya sa aking paglangoy at hinuli ang aking kanang palapulsuhan kasabay nang pagpulupot ng kaniyang braso sa baywang ko at pag angat naming dalawa sa tubig. Hinihingal akong suminghap ng hangin at pagod na isinandal ang ulo sa kaniyang dibdib. Binitawan niya ang aking palapulsuhan at inilipat sa likod ng aking ulo ang kanyang kamay. Habang ang aking mga kamay naman ay nasa kanyang dibdib at batok.
Hindi ko na napigilan ang kumawalang hikbi nang maramdaman ulit ang init na hatid niya. I've been longing for this moment. To be touched by him, again. To feel his warmth, again.
Las
Oh God, is this true? Is it really him? If I am dreaming right now, please, don't wake me up. I don't want this moment to end.
Naibsan kahit papaano lahat ng panlalamig na nararamdaman ko dulot ng tubig ngayong nasa bisig niya ako. Lahat ng pagtatampo, inis at sakit na nararamdaman ko para sa kaniya, bigla nalang naglaho lahat ng ‘yon. Gusto ko mang magpakipot pa muna at pahirapan siya’y mas gusto kong sulitin lahat ng oras na naririto siya, dahil wala akong kasiguradohan kung hanggang kailan ‘to.
“I’m sorry. It wasn't what I've planned to do when we see each other again but I couldn't control myself. It's been years since I held you in my arms. I've missed you so much.”
Patuloy niyang hinaplos ang aking buhok at paulit ulit na hinalikan ang tuktok ng aking ulo habang humihingi ng tawad. Ramdam ko na ang panginginig sa lamig pero ayaw ko pang bumitaw. Tumigil na rin ako sa pag iyak.
“You’re shivering. Let's get out of here, first. We'll talk later, hmm?”
Umiling ako at dalawang kamay na ang ikinawit sa kanyang leeg. Mas lalo ko pang idinikit ang katawan sa kaniya.
“Hey, I know you're just afraid I'll disappear if you let go of me now but trust me, I won't. I promise.”
Still, I didn't let go. He took a deep breath and put his chin on top of my head.
“You missed me this much, huh? You're fluttering me too much. I feels the same, love.” And he chuckles. I can feel my cheeks burning in heat. It's true, though. I missed him so much. Since we were young he's been nothing but playful.And him being like this just brought me back to a time when I saw him for the first time.
................
Alas tres ay nagpaalam ako kay mama na papasok ako sa simbahan upang magdasal.
Marami akong kasabayan papasok na siguro’y pinahupa ang init bago pumunta rito. Pumwesto ako sa gitnang bahagi at agad lumuhod upang makapagsimula na sa aking pagdarasal.
“.... Thank you, Lord, our almighty Father. In the name of the father, and the son, and the holy spirit, Amen.”
Ilang minuto akong nanatiling nakapikit upang damdamin ang kaginhawaan at katahimikan na dulot ng paglapit at pagdarasal sa nakatataas. Nang magmulat ng mata ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaliwang bahagi. Naroon ang isang batang lalaki na sa tingin ko’y mas matanda sakin ng dalawang taon base sa kaniyang itsura. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin kaya naman hindi ko maiwasang kabahan sa kakaibang tingin na ibinibigay niya sakin. Nakangiti at mayroong mapaglarong mga mata. Nakasuot siya ng pulang polo shirt at maong na short samantalang puti ang kanyang sapatos na hula ko’y ilang taon naming pagtatrabahuan para mabili. Halatang mayaman. Nag iwas ako ng tingin dahil ayaw tumigil sa mabilis na pagkabog ang dibdib ko.
Sino ba ‘yon? Ba’t siya nakatingin sa akin? Kilala niya ba ako? Pero ngayon ko lang siya nakita. Nararamdaman ko pa rin ang tagos ng titig niya mula sa gilid ko. Pumikit ako at huminga ng malalim para muli siyang harapin.
Gwapo siya. Maputi at makinis ang kutis. Ano kayang sabon niya? Itim na itim din ang kaniyang buhok at madilim ang mga mata. Itinagilid niya ang ulo sa paraang mas lalo siyang gumwapo at kumindat sa akin. Napaawang ang labi ko sa nasaksihan. Parang hindi naman nagkakalayo ang aming edad pero ganun na siya. Dinidiskartehan niya ba ako? Wala siyang pag asa kung ganon. Imbes na pumikit siya at taimtim na magdasal ay magkadaop lamang ang mga kamay niya at nakaluhod pero nasa akin ang buong atensyon. Sigurado akong sa akin dahil ako lamang ang nasa line na ito. Ang kaniyang ngisi ay unti unting napunta sa ngiti. Ang puti rin ng ngipin niya. Mas lalo lamang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Kinunotan ko siya ng noo na kanyang ikinailing. Pinagmasdan ko ang unti unting pagbuka ng kaniyang bibig na tila may sasabihin.
Huh? Mas lalo lamang kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Pinaghiwalay niya ang kaniyang mga kamay at ang kanang kamay ay ikinumpas sa hangin malapit sa kaniyang mukha. Anong ginagawa niya? Nagsasign language ba siya? Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang kinukumpas.
Namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko, tama ba ang pagkakaintindi ko?
“Ang ganda mo”
Sinabihan niya akong maganda? Ako? Maganda? Hala.
Pilit ko mang pigilan ay unti-unting kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Agad akong nag ayos ng sarili at naupo. Marami rin namang nagsasabi sakin na maganda ako pero iba yata ang dating sa akin kapag galing sa kaniya. Muli kong ibinalik sa kaniya ang tingin at ikinumpas ang aking kanang kamay, itinapat sa labi ko patungo sa direksyon niya, tanda ng aking pasasalamat. Mas lalo namang lumawak ang kaniyang ngiti.
Tumayo mula sa pagkakaluhod ang kaniyang mga kasama at siya naman ay tinapik pa ng katabi niyang babae para tumayo na. Pinagmasdan ko siyang kausapin ng katabi niyang babae. Siguro ay mommy niya dahil may hawig din sila, nakangiti siyang tumatango roon. Yumuko ang babae upang siguro marinig ang sasabihin ng batang lalaki. Nang matapos sa sasabihin ay itinuro ako ng batang lalaki kaya naman napatingin sa akin ang babae. Nakita ko siyang tumawa at kinalabit ang siguro ay asawa niya base na rin sa magkahawak nilang kamay. Mula sa kaniyang cellphone ay umangat ang tingin niya sa asawa, binulongan siya ng babae at itinuro rin ako. Nakita kong natawa na rin ang lalaki at may sinabi sa batang lalaki. Iyon siguro ang kaniyang mga magulang. Mukha silang mababait.
Napaiwas ako ng tingin at itinuon sa harap. Nararamdaman ko pa rin ang tingin nila.
Huminga ako ng malalim at pinisil ang aking mga kamay. Kailangan ko nang bumalik baka nahihirapan na roon sa pagtitinda si mama kaya naman naisipan ko nang tumayo at nag umpisang tahakin ang daan palabas ng simbahan. Kapag ganitong wala akong pasok ay tumutulong ako sa pagtitinda kay mama.
Nang tuluyang makalabas ay nagmadali na rin akong bumalik sa pwesto. Marami ang bumibili pagbalik ko kaya naman agaran na rin akong kumilos para daluhan ang iba pa at hindi na sila maghintay pa ng matagal. Ngumiti si mama nang makita niya ako at sinuklian ko rin siya ng isang masayang ngiti.
“Miss, palamig, tatlong tagsampu“
“Ate, pabili naman nitong puto dalawang pack, pakisupot na rin“
“Ate, pabalot naman ng turon sampung piraso“
Mabuti na lamang at sanay na ako sa ganitong trabaho kaya naman mabilis ko ring nadaluhan ang ibang customers.
“155 pesos po ma'am.”
Binuksan niya ang pitaka at humugot ng dalawang isang daan at iniabot sa akin. Tinanggap ko iyon at tinignan ang kaha para sa barya.
“Meron po ba kayong five pesos, ma'am?“
“Sandali lang iha at titignan ko.“ Binuksan niya ulit ang pitakang hawak at kumuha ng limampiso. Nang maiabot sa akin ay ibinigay ko naman sa kanya ang buong singkwenta pesos.
Pasado alas siete ng maubos ang aming paninda kaya gumayak na rin kami para umuwi. Kanina pang alas sais nandito si tatay kaya naman nakapagpahinga na rin ako dahil siya na ang tumutulong kay nanay magtinda.
Pag uwi ay si mama ang nagluto ng dinner at habang ginagawa niya yon ay sinagotan ko na ang aking mga assignments. Pagkatapos kumain ay agad na rin akong pumasok sa kwarto para maligo at makapagpahinga na. Bago mahiga ay nagdasal na muna ako para makapagpasalamat sa buong maghapon.
Habang naghihintay na dalawin ng antok ay muling lumipad ang isip ko sa nangyari kanina sa loob ng simbahan.
Sino kaya ‘yong batang lalaki? Pilyo siya pero mukha naman siyang mabait. Makikita ko pa kaya siya ulit?
Mayroong misa bukas. Naroon kaya ulit sila? Linggo bukas at magsisimba kami nila mama at tatay. Siguradong kung naroon sila ay magkikita kami ulit. Napangiti ako nang maisip na magkikita kami ulit. Gusto ko siyang makilala. Nakatulog akong siya ang laman ng isip.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni mama para gumayak. Magkahawak kamay kaming tatlo na pumasok sa loob ng simbahan. Marami nang tao pagdating namin at halos mapuno na rin ang mga benches. Sinubukan kong hanapin ang batang lalaki kahapon habang patungo kami sa bakanteng bench sa third row ngunit sa dami ng tao ay nahihirapan ako. Maraming pamilya ang naririto kung kaya't hindi ko alam saan ko sila makikita. Nilingon ko kung saan sila nakapwesto kahapon pero wala sila roon. Iba ang mga nakaupo. Malapit na kami sa pagpupwestuhan ng siguro’y napansin ni mama ang aking paglulumikot.
“May hinahanap ka ba, anak? Kanina ko pa napapansin na lingon ka nang lingon kung saan saang bahagi. Baka makatulong kami ng tatay mo.”
“Mga kaibigan mo ba ang hinahanap mo, yen? Mamaya kapag tapos ng misa ay paniguradong makikita mo rin sila.” Segunda ni tatay.
Tumango na lamang ako at sumang ayon sa kanila kahit na sa loob loob ko ay gusto ko pang maghanap. Dumiretso na kami sa uupuan at maya maya lamang ay nag umpisa na rin ang misa.
Tumagal iyon ng higit apat na oras. Malapit na kami sa labasan nang muling magtanong si mama tungkol sa hinahanap ko kanina.
“Sino bang hinahanap mo kanina, anak? Baka narito pa sila. Halika’t tutulongan ka namin ng tatay mo.”
“Huwag na po, mama. Marahil ay nakalabas na po sila. Halina po kayo’t umuwi nalang tayo.”
“O siya, sige. Kumain na muna tayo bago umuwi.”
PS: SIMULA SA CHAPTER NA ITO AY MERONG MGA FLASHBACKS AKONG IIINSERT PARA BALIKAN ANG STORY NI ETTIENNE AT CAUIS. Naglalagay akong ganito ”******” kapag flashbacks so wag po malilito.