Hindi pa rin makapaniwala si Amira sa mga narinig niya. Nakahiga pa rin siya sa kama nanatiling kausap pa rin si Luke, nakatalukbong lang siya ng kumot, pero wide awake. Sa kabilang linya, maririnig ang mabigat na paghinga ni Luke, unti-unting bumababa ang tono ng boses matapos ang pag-iyak. Hinayaan na lang muna ito mag kuwento ng tungkol sa history ng buhay nito na talaga naman ikinagugulat niya ng husto. Ibang-iba sa pagkakakilala niya rito. “Wala ka naman ng magagawa nangyari na yan, kesa magpakagalit ka hayaan mo na! Choice yan ng kapatid mo. Wala kang kasalanan." ani Amira sa kabilang linya. Huminga ng malalim si Luke na para bang hindi lang yun ang problema nito. “Kasi… hindi na ‘to una, Amira. Ilang beses ko na silang pinatawad. Ilang beses ko na silang tinulungan, pero paulit-ul

