Inis na isinarado ni Kenneth ang pinto ng kotse habang deretso sa pag duldol sa cellphone habang ka text si Luke na hindi nag pakita sa kanya dahil meron lang daw itong emergency flight. Kadarating lang nito kaninang umaga noon naman mag papahinga ito ng 1-2 araw bago ulit aalis. Ngayon wala pang 24 hrs paalis na ulit at dadaanin lang siya sa text kaya hindi na niya natiis na hindi ito awayin. Obviously iniiwasan siya ni Amira at ngayon si Luke may mga kakaibigang galawan na hindi naman niya nakita dito noon. Pag pasok niya sa elevator ng basement parking sa condo building niya nakayuko pa rin siya dahil ayaw na siyang replyan ni Luke kaya tinadtad na niya ito ng text dahil alam niyang nasa roaster pa lang ito at hindi pa naalis ang eroplano. Pero hindi ito nag rereply kaya

