Hatinggabi na pero hindi pa rin makatulog si Kenneth, kanina pa sila tapos mag-usap ni Luke at bukas meron daw itong bakanteng oras na 2 hours at naki-usap ito na baka daw puwede silang magkita sa airline kahit saglit lang daw dahil miss na miss na daw siya nito. Kaso yung 2 hours na hinihingi nito ay on-duty naman siya kaya hindi niya alam kung paano niya ito tatagpuin bukas kaya sabi niya bahala na. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi siya maka tulog at nakakaramdam siya ng guilty kahit wala naman siyang ginagawang masama sa tingin niya. Nakatalikod si Kenneth sa kama, nakapikit pero sa bawat paghinga niya hindi siya mapakali ang daming tumatakbo sa utak niya. Ang paulit-ulit na saliting umiikot sa isip niya ay ang sinabi ni Miggy —"I might not let you go anymore—and just

