"Bakit bibilihan mo pa siya ng gift arte naman?" irap ni Amira habang nag lalakad sila sa isang mall kakalabas lang niya sa work habang si Amira naman ay walang flight kaya nahila niya itong samahan siyang mag malling. Bukas ang dating ni Luke at sakto naman na monthsary nila. "Mag love life ka na kasi para magkaroon ka din ng ka monthsary para maintindihan mo ako." ani Kenneth habang nakayakap sa braso ng kaibigan. "Nakakaloka naman bakit kasi may monthsary pa kaartehan n'yong masyado. Ang alam ko anniversary lang ang dapat cenecelebrate." tumawa naman si K. "Hay! Hindi mo talaga ako maiintindihan." napatingin si Kenneth sa isang tindahan ng luxury watch dun nya hinila ang kaibigan na hindi na umimik at nagtingin-tingin na lang din ng mga rilo. "Wow pinaka mura yata is 4

