Pakiramdam ni Kenneth nakasakay siya sa kamay ng orasan habang nakikiramdam sa paligid. Nasa isang hotpot restaurant sila kasama si Luke. Hindi na ito galit pero hindi din nakibo, hini-hintay na lang nilang i-serve ang order nila. Kahit si Amira na madaldal biglang silent mode sa tabi ni Miggy. Samatalang si Miggy lang talaga ang makapal ang mukha na palipat-lipat ng tingin sa kanila ni Luke. "Kung may additional order pa po kayo, tawag lang po kayo. Have a nice meal po," wika pa ng waiter after ma iserve ang mga order nila. "Grabe, ang sarap dito! B12, thanks ha sa treat mo. Best hotpot ever!" ani Amira sabay kuha ng chopsticks at kumuha ng shrimp balls. Na sinimulan na ilagay sa sabaw na nasa harapan nilang umuusok. Tahimik naman na tumulong si Kenneth sa pag lalagay

