"Asan si Kenneth bakit di mo isinama?" tanong ni Raine habang papasok sa office niya ang ama at kapatid na si Miggy. "Naka duty kaya bukas babalik kami para makita niya ang mga ito." Napatingin naman si Raine sa ama na malawak ang ngiti na may bitbit na brown envelop. Agad naman nag-utos si Raine sa assistant na mag pasok ng drink para sa kapatid at ama. Sa isang malaking table nakalatag. Ang puro sketches, mood boards, fabric swatches, flower samples, at laptop presentations ang nasa harap ni Raine, ang pinaka-bonggang event stylist na hindi lang kilala sa flair niya sa design, kundi pati sa husay niya sa pangba-barter at pangbu-budol ng suppliers. At pang s-scam sa mga kakilalang kapamilya at kaibigan na wala na lang magawa kundi mag bayad ng 8 digit na halaga ng wedding package niya.

