Halos buong umaga ng tumutulong si Lyza sa bukid sa pagkakarga ng mga gulay at paghahatid sa bayan.
Lyza, si Josh yata yung nasa motor oh. Turo ni Mang Berto sa lalaking nakatayo sa tapat ng tindahan ni Aling Ine. Agad din naman sila nitong nakita.
Babe, tawag ni Lyza dito paghinto ng sasakyan. Pinilit nyang alisin ang tensyon dahil alam nyang masama ang timpla nito base sa ekspresyon ng mukha.
Humarap naman ito at halata ang inis sa pogi nitong mukha.
Kanina ka pa? Dagdag kong tanong.
Oo kanina pako nag-iikot kakahanap sayo. Sa kwadra, sa babuyan sa bukid. Sabi ni Lexus dito kita abangan dahil sigurado kang pupunta dito.
Oo pasensya ka na kakagaling lang kasi ng lolo sa trangkaso kaya hanggat maaari napagusapan namin ni Lexus na kami muna ang gagawa ng mabibigat na gawain ng lolo.
Humupa naman ang inis ng binata ng madinig ang tinuran ng nobya.
Kumain ka na ba? Nag-aalalang tanong ni Josh ng makita ang pagod sa mukha ng dalaga. Nilapitan nya ito at pinunasan ng panyo ang tumutulong pawis sa noo.
Hinde pa, ikaw ba?
Hininhintay nga kita ng sabay na tayo mananghali.
Ok lang ba sayo na dito tayo kila Manang Ine kumain? Masarap silang magluto. Tanong ng dalaga.
Oo ok lang.
Manang kakain po kaming tatlo. Bungad ni Lyza sa ina ng kaibigang si Michelle. Manong Berto sabay na po tayo. Kumain muna po tayo habang nagbababa sila kasi nagugutom na din po ako.
Sige iha at susunod ako. Sagot ni Tay Berto.
Anong order nyo Lyza? Tanong ni manang.
Manang yung ginisang gulay po ako. Ikaw babe? Tanong ni Lyza kay Josh
Josh iho buti nauwi ka. Lalo kang gumagwapong bata ka.
Salamat po manang.
Hi Josh nauwi ka pala....
Napakunot ang noo ni Lyza ng madinig ang boses ng babaeng bumati ky Josh. Pamilyar ito at nahuhulaan nya na kung sino bago nilingon.
Lucy, kamusta? Nakangiting bati ni Josh..
Ito maganda pa din. Kakain kayo? Sabay ako ha.
Oh sure sure. Nakangiting sagot ni Josh na ikinasibangot ni Lyza. May gusto kasi ito kay Josh dati pa at halatang nagpapapansin.
Lyza nandyan ka na pala, alam kong darating ka, pinagluto nga pla kita ng crispy fried cauly! Singit naman ni Jonathan, ang anak ni manang Ine na aking kaibigan at kaklase na rin, kapatid ni Michelle. Matanda ito sa kaibigan pero sa kakapusan ay nahuli itong mag-aral kaya naging kaklase din nila.
Ah ganun ha pangingiti ngiti ka sa babaeng yan, humanda ka sakin! Pilyang naiisip ni Lyza para makaganti.
Oy Jonathan buti nandito ka, siguradong masarap yan, alam na alam mo talaga ang paborito ko.
Eeeww fried gulay? Maarteng sabi ni Lucy. Josh come upo na tayo dito, hila nito kay Josh.
Masarap ang gulay iha, masustansya, kaya kita mo si Lyza kagandang bata, makinis, matalino dahil nakaktulong ang pagkain ng gulay.
Eeeeww, mahinang sagot ni Lucy sabay sibangot.
Si Josh naman ay matiim na nakatingin kay Lyza.
Josh order ka na sabay na tayo kumain ha, pangungulit ni Lucy.
Ok sige ano bang meron? Sagot naman nito.
Naupo si Lyza sa kabilang lamesa at tiningnan kung sasamahan sya ni Josh. In the first place sya ang girlfriend.
Babe, tara anong order mo? May palabok sila dito tsaka dinakdakan. Malambing na tanong ni Lyza kay Josh.
Sige yun nalang. Sagot nito.
Maupo na kayo maghahain na kami. Sandali lang ha sabi ni Jonatahan.
Si Mitch? Tanong ni Lyza.
Naku siya ang namamalengke kasama ang boyfriend nya. Sagot ni manang.
Ah ganon po ba.
Josh, di mo ba ko tatabihan dito? Maktol ni Lucy.
Ah halika na at dito na tayo maupo. Sabi ni Josh kay Lucy.
Ayaw ko dyan gusto ko dito. Mainit dyan at mahangin dito. Maarteng sagot ni Lucy.
Babe lipat na lang tayo bulong ni Josh.
Bakit ba eh sya nakikisabay satin. Sya yung makisama eh nandito na sila Manong Berto sa lamesa nakaupo. Gusto mo ikaw ng lumipat dun. Mataray na sagot ni Lyza.
Pero sige subukan mong iwan ako dito at lagot ka sakin mamaya. Sa isip isip ni Lyza.
Walang imik na lumipat si Josh sa kabilang lamesa. Pansin na pansin ni Jonathan ang paglungkot ng mukha ng kaibigan.
Lyza, ito na ung niluto ko.
Tara samahan mo na kami kumain dito Jon.
Ah sige wait lang. Kuha lang ako ng food ko. Ano pa ba gusto mo ulamin. Yung kaldereta masarap yon.
Sige nga patikim.
Sandali lang ha.
Pagbalik ni Jon ay naihain na ni Aling Ine ang pagkain ni Josh at Lucy. Sinunod ng iserve ang pagkain nila Mang Berto at ng isang tauhan.
Pagbalik ni Jon ay bumulong si Lyza.
Gago tong mokong na ito hinihintay daw ako tapos di sumalo satin sa pagkain. Pagakakain ko Manong Berto sa likod na ko dadaan ha at ng di ako kapansin nung dalawa sa pag-alis.
Eh nahiya lang siguro sa kaibigan nya. Sagot ni Manong.
Eh bahala sya. Maktol ko. Jon samahan mo kaya ako mamili para makabalik na si Manong sa Hacienda sakto paghakot nyo ulit nakapamili na ako.
Sigurado ka ba iha baka mag-away kayo ng nobyo mo.
Hayaan nyo ho sya, mukha namang nag-eenjoy sya.
Sa nangyari ay walang ganang kumain si Lyza kaya pagkatapos ay pumunta na sya sa kusina.
Nakamasid naman si Josh at akala nya ay maghuhugas lang ang dalaga ng kamay.
Tumayo na din si Mang Berto at pinaandar ang sasakyan at kasamang umalis ang isang tauhan ngunit di na natanaw ni Josh si Lyza na sumakay.
Josh, mamasyal tayo ha, minsan lang kita makita dito eh. Maarteng sabi ni Lucy.
Ay eh sasamahan ko pa si Lyza.
Nubeyan, puro na lang Lyza.
Maya maya ay nagligpit na si Jonathan sa lamesa at di na rin bumalik.
Meron na yatang sampung minuto si Lyza at di pa lumalabas kaya naiinip na si Josh sa labas.
Aling Ine si Lyza po ba?
Naku umalis na at madami pa daw syang papamilihin.
What? Napatayong sabi ni Josh. San daw po? Bakit di ako tinawag?
Busy ka yata kasi iho at ayaw kang istorbohin. Wag kang mag-alala at pinasama ko naman si Jonathan ko ng matulungan sya.
Shit, napalakas na sabi ni Josh.
Iniwanan ka pala eh di ako na lang ang ipasyal mo.
Mauuna na ko Lucy. Matalim na tingin ni Josh.
Bullshit maktol nito habang papasakay sa motor.
Nagpasya na lamang umuwi ang binata. Inis na inis dahil sa pag-alia ni Lyza ng di namamalayan.