Chapter 5 First Day

1972 Words
MOIRA: NAMUTLA AKO NA makumpirmang siya ang lalakeng kanina lang ay kasa-kasama ko sa kama ng hubot-hubad! Kung ganon ako 'yong lintek na nilalang na binanggit niyang nagpaalaga sa kanya at ano daw . . .? Plano siyang pikutin kaya nagtulog-tulugan at naghubad na nakitabi sa kanya?! Napakuyom ako ng kamao na matamang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang naniningkit lalo. "M-Magkakilala kayo?" ani Ms Divina na palipat-lipat ng tingin sa amin ni boss. "Ahem! No." Agad nitong sagot na nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. Iniabot naman ni Ms Divina ang resume ko bago nagtungo sa pantry nitong opisina para igawa ng kape ang boss namin. Saksakan nga ng kakisigan at kagwapuhan pero saksakan din ng pagka-arogante at kasungitan. Salubong pa ang itim na itim at malagong kilay nitong bumagay sa chinito at kulay abong mga mata. Kahit mga pilikmata ay mahaba na makapal! Nag-angat ito ng mukha na napataas ang mga kilay na mahuli akong pinagmamasdan ito. Pinamulaan tuloy ako ng pisngi na ikinangisi nito. Pasimple pa akong pinasadaan ng tingin na pangmanyakis. Napaatras akong ikinaangat ng mga mata nito sa mga mata ko. Nandoon pa rin ang naglalarong pilyong ngiti sa mga labi na tila inaasar ako! "So. . . tell me more about yourself, Ms De Guzman," anito na napalahad pa ng kamay na itinuro ang silyang kaharap. Naupo ako dahil nangangatog na ang mga tuhod ko sa uri ng nakakaasiwang pagtitig nito. Dinig na dinig ko rin ang malakas na kabog ng dibdib kong dumadagdag sa kaba ko! "Um. . . Moira De Guzman, 20 years old. Living with my family and my. . .-" nagtaas ito ng kamay na ikinatigil ko. "Do you have boyfriend?" seryosong tanong nitong matamang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok akong kaagad napailing na ikinayuko nito para ikubli ang ngiti. . . teka? Ngumiti siya? Napatikhim itong muling nag-angat ng mukha na seryoso na naman. Napaka-arogante niyang tignan at ang bossy ng datingan. "How about. . . fiancee?" ulit pa nitong tanong na inilingan kong muli. "Husband?" hirit pa nito. Napapikit akong napahinga ng malalim na ikinataas ng kilay nito at may naglalaro na namang mapang-asar na ngisi sa mga labi. Mukhang tuwang-tuwa pa ang tukmol na 'to na asarin ako. "Wala po, Sir. Boyfriend nga wala eh. Asawa pa kaya?" sarkastikong sagot ko. Napalapat ito ng labi na napatango-tango habang pinapaikot-ikot ang pen sa daliri nito. "Your coffee, Akhie." Ani Ms Divina. Maingat nitong inilapag sa round glass table ni tukmol ang tinimplang kapeng agad naman nitong tinikman. Napapaismid na lamang akong makita ang closeness nila ng secretary nito. "Thanks, Ina. Train her now," kindat pa nito kay Ms Divina. "Let's go, Ms De Guzman?" baling ni Ms Divina sa akin na may ngiti sa mga labi. Napatayo na ako at bahagyang yumuko dito sa tukmol na in-snob lang naman ako. Ayos. . . arogante nga. Hmfpt! Lumabas na akong kasunod si Ms Divina na naupo sa magkatabing table namin dito sa labas ng opisina ni Sir arrogant. "Pagpasensiyahan mo na si boss. I told you. . . masungit 'yon at 'di basta-bastang nagtitiwala o nai-impress," baling nito na napansin ang pananamlay ko at pananahimik. "Okay lang, Ms Divina. Sabi mo nga 'di ba? Pasok sa isang tainga, ilabas sa kabila at h'wag ng dibdibin," masiglang sagot kong ikinangiti nito. "O siya, halika muna sa HR department at ipapakilala kita sa lahat para mamukhaan ka nila," anito na inakay na akong naglakad ng hallway papasok ng elevator. "Ahm. . . Ms Divina, p'wede bang magtanong?" "Go ahead," anito na ni-press na ang floor pababa ng HR. "Bakit ka magre-resign? Maayos naman kayo ni boss. Mabuti ka nga napaamo mo siya at nabibiro mo pa," tanong ko. Napahinga ito ng malalim na napatanaw sa malayo. "Gusto ko na kasing bumuo ng pamilya. 10 years na akong secretary ni boss, at sa loob ng sampung taon na 'yon? Tatlong beses na akong iniwan ng soon to be groom ko. Dahil hindi ko mabitaw-bitawan ang trabaho ko. Paano ko raw magagampanan ang pagiging house-wife ko kung kahit weekend ay nagtatrabaho ako at panay din ang overtime." pagkukwento nitong ikinatango-tango ko. "Ayo'ko sana pero . . . hindi ko maha-handle ang trabaho at pagiging asawa at ina ko ng sabay kaya ang career ko na ang isinakripisyo ko lalo na't buntis na ako," dagdag pa nito na iginiya ako sa hallway. Nagsitayuan pa sa kanya-kanyang cubicle ang mga nandidito na namamanghang napatitig sa amin ni Ms Divina at nagbubulungan. "Hi, Ms Di. Siya na ba?" salubong ng isang may katandaang binabae na katulad ni Ms Divinang pakendeng-kendeng kung maglakad. Maarteng nagbesohan pa ang mga ito na may malapad na ngiti. "Aha, the one ang only! Everyone attention please!!" anito na napapalakpak pa kaya nagsilapitan ang mga empleyado dito. "Listen, ladies and gentlemen. This is Ms Moira De Guzman, the new secretary of our beloved boss Akhie. Please welcome her in our company," pagpapakilala nito sa akin sa lahat. Naghiyawan at palakpakan pa ang mga itong kanya-kanyang bati sa aking ikinangiti at tango ko sa kanila isa-isa. "Hello, good day po! Sana magkasundo po tayong lahat. I'm Moira De Guzman, but you can call me Moi na lang po. Nice meeting you all!" masiglang pagpapakilala ko. Napapayuko ako bilang pagbigay galang sa mga itong napapayuko rin at may malapad na ngiting ginagawad sa akin. "Good luck, Moi. Sana magtagal ka kay boss sungit," ani ng isang ikinahagikhik nila maging si Ms Divina kaya napapangiti na rin ako. "Thank you, sana nga." "O siya. . . back to work na guys. Moi, let's go, baka may ipapagawa na si boss," pag-akay sa akin ni Ms Divina. "Bye, Ms Di. Bye, Ms Moi!" Sabay-sabay pang pamamaalam ng mga itong ikinatango namin at nagtungong muli ng elevator. "Mababait naman lahat ng staff dito kaya wala kang dapat ipag-alala, Moi Kay boss ka lang mag-iingat lalo na't secretary ka na niya, okay?" anito na pilit kong ikinangiti. "Opo, Ms Divina. Copy po." Bumaling maman itong naglakad patalikod habang nandidito kami sa hallway pabalik ng table namin. "Are you single, Moi?" Namula akong napatangong ikinangiti nito. "Ahm, m-may anak na po ako, Ms Divina," pagtatapat kong ikinamilog ng mga mata nito. Natigilan din sa paghakbang ng patalikod dahil nakaharap ito sa akin. Alanganin akong ngumiti na napakamot sa pisngi. "Talaga?! Ang bata mo pa ah?!" manghang bulalas nito na nanlalaki ang mga mata at napatakip ng palad sa bibig. Nahihiya akong tumango na ngumiti pa rin dito. Kahit sino naman kasi ay nagugulat na malamang may anak na ako sa bata kong ito. "Mag-iisang taon pa lang po siya, Ms Divina," aniko na ikinatango-tango nito. "Wait. . . kung single ka at may anak ka na, it only means . . . single-mom ka at your age?" tanong nitong ikinatango ko. "Won't you mind if I ask you? Nasaan ang ama ng anak mo? Kung okay lang, Moi." Ngumiti akong umiling na ikinasalubong ng mga kilay nito. "Hindi ko po siya kilala, Ms Divina. O-one night stand lang po siya. Dala ng kalasingan ko noon sa isang event ng dating kumpanyang pinagtatrabahuan ko, almost two years ago." Matamang naman itong nakikinig sa pagkukwento ko. Mapait akong napangiti na maalala ang katangahan ko sa gabing iyon kaya ako nabuntis ng kung sino. " Nagkamali ako ng pinasukang room sa hotel na tinuluyan namin noon sa isang bagong bukas na beach resort ng boss ko. Nagkataong lasing din 'yong guy na 'di ko namukhaan. Pero . . . pero may palatandaan ako sa kaliwang bahagi ng tagiliran niya, may balat kasi siya doon na maliit na ng korteng puso." Napapatanga naman itong napatango-tango sa kwento ko. Pilit akong ngumiti na napailing na lamang sa sarili. Hindi ko man nakilala ang ama ng anak ko? Thankful pa rin ako sa kanya dahil sa pagkakamaling iyon sa buhay ko? Nagkaroon ako ng Mik-Mik na sobrang gwapong bata. Halatang may lahi ang ama niya. Kaya hindi ko pinagsisisihan ang katangahan kong iyon. "So. . . sinong nagbabantay sa anak mo ngayon, Moi?" usisa pa nito pagkaupo namin ng aming table. "Si Nanay po, Ms Divina. Mabuti nga nasuyo ko rin sila ni Tatay sa kagagahan ko. Sa loob nga po ng siyam na buwan na pagdadalangtao ko ay hindi nila ako iniimik kahit nasa iisang bubong kami. Pinalayas pa nga ako nang magtapat akong nabuntis ako ng 'di ko kakilala. Paggising ko kasi noon sa silid na kinaroroonan ko ay wala na 'yong guy na naka-one night stand ko. Pero. . . hindi rin nila ako natiis nang maisilang ko na ang anak ko at napatawad ako." Napangiti itong inabutan ako ng tissue dahil nangilid ang luha kong maalala ang nakaraan. "I'm so proud of you, Moi. Nagawa mong ituloy ang pagbubuntis mo at your young age. Kahit alam mong itatakwil ka ng pamilya mo at huhusgaan ka ng mga nakapaligid sayo ay itinuloy mo pa rin," naluluhang saad nito at kita ang sensiridad sa mga mata nito. Napalabi akong pinangilidan muli ng luha. "Salamat po, Ms Divina. Wala naman kasing kasalanan ang baby ko kaya hindi sumagi sa akin na ipalaglag ito noon. Kahit takot na takot akong mapabilang sa mga batang ina na walang ama ang isisilang." Tinapik ako nito sa balikat na matamis napangiti. "Keep it up, Moi. Nakikinita ko ng magiging mabuti kang ina sa kanya. Sana mahanap mo pa ang ama niya para makatulong mo sa financial needs niya," anito. MAGHAPON kaming nakatutok sa trabaho ni Ms Divina. Dito din pala sa loob ng office nanananghalian ang boss namin. Tini-take-out-an lang namin sa restaurant nilang kaharap din nitong building kaya hindi ka na mapapalayo. Mukha ngang seryosong boss ito na hindi manlang ako nginitian nang magpaalam ako dahil uwian na. Napahinga akong malalim habang nakasakay ng jeep pauwi ng bahay. May ngiti sa mga labi na nairaos ko ang unang araw ko sa masungit kong amo. Napadaan naman ako sa mini grocery store sa kalapit at naalalang wala ng gatas ang baby Mik-Mik ko. Mabuti na lang at may napanalunan akong 10 thousand pesos kagabi sa dare namin ng mga dati kong katrabaho at may pambili ako ng gatas at diaper ni baby. Nakakahiya nga kina Tatay na maging pangangailangan ng anak ko ay sinasagot niya sa tuwing nauubusan ako. "Kumusta ang baby ko? Na-mis mo ba si Mama?" masiglang bungad ko sa anak kong gising na sa crib nitong nakatayo at tuwang-tuwa makita ako. "Mano po, Nay." Pagmano ko kay Nanay at inilapag sa lamesa nitong sala ang mga dala ko. "Kaawaan ka ng Diyos, anak ko," anito na dinampot na ang mga dala kong dinala sa kusina. Kinarga ko naman ang baby kong nakaangat ang mga brasong nagpapakarga. Pinaghahalikan ko itong pinanggigilang ikinahagikhik nito. "Mammaa. . . maammaa." Parang malulusaw ang puso kong nababanggit na nito ang word na Mama at nakikilala na niyang ako ang ina niya. Naluluha kong pinaghahalikan ito sa buong mukha maging sa leeg at kili-kili nitong ikinahagikhik at irit nito. Napaupo ako ng sofa na kalong ito paharap sa akin. Nakakatuwa lang na halatang may lahi siya sa makakapal niyang pilikmata at chinitong kulay abong mga mata. Matangos din ang ilong at napakakinis ng kutis na mabilis mamula. "I love you, Mikmik ko. Ikaw lang sapat na para maibsan ang pagod at stressed ni Mama sa trabaho. Pasensiya na ang baby ko na si Nanay ang nag-aalaga sayo at hindi si Mama, huh?" pagkausap ko dito. Napapangiti naman itong hinahaplos ko sa pisngi at naluluhang pinagmamasdan ang mga mata nitong inosenteng nakatitig din sa akin na nakangiti. Labas tuloy ang dalawang front teeth nitong puting-puti. "Pangako, anak ko. Hindi mo pagsisisihan na isinilang kita dahil kahit wala ang Papa mo? Hindi mo mararamdamang may kulang sayo dahil pupunan lahat ni Mama ang buong espasyo sa puso mo. Mahal na mahal kita, Mikael ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD