MOIRA: KABADO ako habang tinatahak namin ng ama ni Akhiro ang kahabaan ng highway. Naiilang ako lalo na't wala si Akhiro dito at napakaseryoso pa naman ng ama nito. Panay ang lunok ko ng huminto ito sa harapan ng. . . Montereal's Hospital?! Naninikip ang dibdib ko at panay ang dasal na sana. . . sana walang masamang nangyari kaya hindi na ito nakabalik. "Let's go, hija?" 'Di ko namalayang nakababa na pala ito na ngayo'y pinagbuksan pa ako ng pinto at kinalong si Mikmik. Nahihiya akong tumango at tinanggap ang kamay nitong nakalahad. Nangangatog ang mga tuhod ko habang nakasunod dito na binagtas ang lobby ng hospital. Panay pa ang bati at yuko ng mga staff dito na tinatanguan lang nito. Tahimik lang ako at nakikiramdam sa paligid ng sumakay kami sa elevator nitong hospital. "Sana pa

