MARCUS: NAPAPANGUSO AKO habang naghihintay dito sa labas ng room namin. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase pero wala pa si chubs. Nasaan na ba kasi 'yon? Imposible namang liliban siya ngayon eh may exam kami. "Marcus, come in now, baby," malambing pagtawag ng adviser namin sa akin. Napakamot ako sa pisngi na palinga-linga pa rin baka sakaling sumulpot na si chubs at na-late lang ito. Alanganin akong lumapit kay Ma'am Precilla, ang adviser namin sa english. "Ma'am," mahinang pagtawag ko. Ngumiti naman itong binitawan muna ang ginagawang pag-check sa mga test paper. "Yes, baby?" napanguso ako. Sanay naman na ako sa kung ano-anong endearment nila sa akin dito sa school. Kahit nga ang principal namin ay baby din ang tawag sa akin. Mas lumapit pa ako dito para maibulong

