Chapter 4 New Secretary

1887 Words
MOIRA: NAPANGITI AKONG mas nagsumiksik pa sa kinasusubsuban kong mainit na bagay. Ipares pa ang napakalambot na kamang kinahihigaan ko. Napamulat ako nang gumalaw ito at bumungad ang pigura ng lalakeng. . . hubot-hubad!? Naalarma akong napatayo at napatili nang makitang maging ako'y hubot-hubad din! Mabuti na lang at napakahimbing pa rin ng tulog nito. Tumulo ang luha ko at napasabunot sa ulo na iginala ang paningin sa paligid! "Ang tanga-tanga mo talaga, Moi! Paano ka naiuwi ng lalake!?" singhal ko sa sarili na napapasabunot ng buhok. Maingat akong bumaba ng kama at isa-isang pinulot ang mga damit at underwear kong nagkalat sa sahig. Muli kong nilingon ang binatang katabi ko. Unti-unting nag-flash sa akin ang mga nangyari kagabi. Napasapo ako ng noo at nanghihinang napaupo sa gilid ng kama habang matamang nakatitig dito na nahihimbing. Kagabi ay lumabas kami ng mga katrabaho ko sa Mondragon's Corporation dahil ililipat na ako ng dating boss kong si Sir Andrei Mondragon. Ang sabi nito ay inaanak naman niya ang magiging amo ko at mabait din naman kaya wala akong dapat ipag-alala. Halos dalawang taon ko pa lang na nagtatrabaho bilang secretary nito kaya kahit paano ay may experience ako sa pagiging secretary. Ayaw sana ako nitong pakawalan dahil asset daw ako sa mga investor nito pero nangangailangan ang inaanak nitong pihikan ng bagong secretary dahil pa-resign na ang longtime secretary nito. Naalala ko pa ang ginawa naming dare kagabi na pinahanap ako ng lalakeng hahalikan ko for 10 thousand pesos! Nahagip naman ng paningin ko ang binatang naka all black sa counter area na mag-isang umiinom. Halos lumabas patalon sa dibdib ang puso ko nang makaharap ito dahil nakatalikod ito sa gawi namin kaya 'di ko nakita agad ang itsura. Napatanga pa ako na mapagmasdan sa malapitan kung gaano kaperpekto ang pagkakaukit sa mukha nito! Pero dahil inaabangan ng mga kasama ko ang gagawin ko ay lakas loob kong ginawa ang dare namin. Malaki din ang premyo kong 10 k kapag nahalikan ko ang stranger na 'to. Sobrang gwapo niya kahit salubong ang mga kilay na halatang arogante. Pero dinedma ko at pikitmatang siniil ito sa kanyang mga labing ikinatigil din nito. Para akong may sapi na lumakas ang loob at humirit pang muling humalik sa mga labi nito sa noo maging sa pisngi at nakangiting tagumpay na bumalik ng table namin. Napapilig ako ng ulo dahil hanggang doon lang ang malinaw sa ala-ala ko at 'di na maalala kung paanong kasa-kasama ko ngayon ito sa kama na hubot-hubad kami pareho! Nanghihina akong napatayo ng maalalang may interview nga pala ako ngayon sa bagong boss ko. Muli kong nilingon ito at matamis na napangiti. "Hindi ko pagsisisihan na naialay ko sayo ang sarili ko, kung sino ka man. At kung sakaling magbunga ang kat*lngahan kong ito ay malugod kong palalakihin ang magiging anak natin. Paalam sayo, Mr handsome stranger," pagkausap ko dito bago pinihit ang doorknob ng unit nito at lumabas. Mapait akong napangiti at pasimpleng inayos ang sabog-sabog kong buhok sa kaharap kong salamin dito sa loob ng elevator. Paglabas ko ng building ay napatingala ako sa pangalan nito. "Montereal's Condominium Building? Kung ganon hindi siya basta-bastang mayaman sa mahal ng condo dito?" bulalas kong napalunok. Napangiti akong tumalikod na at nag-abang ng taxi na masasakyan. Maswerte naman ako na meron kaagad huminto sa tabi kong ikinasakay ko agad at nagpahatid ng bahay. Pagdating ko ng bahay ay tanging si Nanay na lang ang naabutan kong nag-aalaga sa baby ko. "Oh, Moi? Bagong dating ka pa lang?" takang tanong nito. Pilit akong ngumiti na marahang tumango dito. Nagmano ako at humalik sa baby kong nagdedede sa bottle nito. Mag-iisang taon pa lang kasi ito. "Opo, Nay. Late na nga po ako sa interview ko sa bagong boss ko," aniko at nagtungo na ng banyo para makaligo. Halos dalawang minuto lang ang tinagal kong naligo sa pagmamadali ko. Maging pagsisipilyo ay mabilisan din. Patakbo akong nagtungo ng silid ko na nakatapis lang ng towel. "Dahan-dahan baka madulas ka! Pambihirang bata ka!" ani Nanay na nakaupo ng sala. Hindi naman kasi kalakihan ang bahay namin. Magkarugtong ang sala at kusina namin na pinaghihiwalay lang ng kurtina. Nandidito din ang tatlong silid namin nila Nanay, Tatay, at ang nakababatang binatilyong kapatid ko na kasalukuyang nag-aaral pa sa kolehiyo. Nagbihis lamang ako ng 3fort na white blouse at black pencil skirt na pinatungan ko ng black blazer na halos umabot na sa gitnang hita ko ang habang kapantay ng skirt ko. Nagpahid din ako ng light make-up kahit hindi ko ugaling mag-make-up. Pero dahil first day ko sa bagong amo ko ay kailangan kong maging presentable. Nang maayos ko na ang sarili ay dinampot ko na ang portfolio kong kinasisilidan ng resume ko at lumabas na ng silid. "Sige po, Nay. Mauna na ako," paalam ko dito na humalik sa noo nito. "Bye-bye na muna anak, huh. . . ?Mali-late na si Mama sa trabaho. Wish me luck, baby ko. May pasalubong kang gatas kay Mama mamayang hapon. . . muuwwaah," pagkausap at halik ko sa anak kong nahihimbing sa bisig ni Nanay. "O siya. . . gumayak ka na. Nakakahiya sa boss mo. Ni-recommend ka pa naman ni Sir Andrei sa inaanak nito tapos unang araw mo mali-late ka," pagtaboy ni Nanay sa akin. "Sige po, Nay." Paalam kong humalik din sa pisngi nito. Patakbo na akong lumabas ng bahay. Mabuti na lamang at napaki-usapan ko si Manong taxi driver na hintayin ako. "Manong, sa Akhiro's Imperial Group of Company po tayo. Pakibilisan, huh? Late na ako eh," malambing pakiusap ko kay Manong na napakamot ng ulong panot. Napahagikhik ako ng mapatingin sa panot nitong ulo na kinakamot. Pinasilab naman kaagad nito ang taxi kaya umayos na ako ng upo. Napapakagat ako sa kuko ng hintuturo ko para ibsan ang kabang nararamdaman ko. Na-e-excite na kinakabahan ako sa maaaring kahantungan ng pagka-late ko eh unang araw ko pa naman. "Salamat, Manong. Keep the change po," magiliw kong saad na iniabot ang 500 pesos. Napakamot itong muli sa panot na ulo kaya mahina akong napahagikhik. "Keep the change? E piso lang naman ang barya mo. Nako pasalamat ka ineng, maganda ka." Napangiwi akong napa-piece-sign dito bago bumaba ng taxi at halos patakbong pumasok ng building ng bagong boss ko. "Ahm. . .good morning, Kuyang pogi. Bagong secretary po ako ng boss niyo," aniko sa guard na hinarang ako kita na ngang naghahabol ako ng oras. "Kayo ba si Ms Moira De Guzman, Ma'am?" paniniguro pa nito kaya inilabas ko ang resume kong ipinakita dito. "Opo Kuyang poging guard, late na nga po ako oh. Pwede na bang pumasok?" napakurap-kurap pa akong nagpa-cute ditong ikinamula at ngiti nito. Medyo bata-bata pa naman si Kuyang guard at marahil ay nag-iingat lang sila sa mga pinapapasok ng building ng amo. "Sige po, Ma'am ganda. Pasok kayo," anito. Napakindat pa akong tinapik ito sa balikat at halos takbuhin ang lobby patungong elevator. Napapapadyak ako ng paa at nababagalan sa pag-akyat ng elevator sa floor ng boss ko. Halos mapatalon ako ng sa wakas ay bumukas na ang pinto at nakarating sa 50th floor kung saan ang opisina ng boss ko. Sinalubong naman ako ng supistikadang babae na parang bibe na pakendeng-kendeng maglakad na kunot ang noo. "You must be. . .?" "Ahm. . . good morning, Ma'am, I'm Moira De Guzman po," bati ko na iniabot ang resume ko. Pinasadaan pa ako nito mula sa 3inch white stilleto ko hanggang sa buhok kong nakapusod pataas ng bunbunan ko at may iilang hibla na nakaharang sa gilid ng kabilaang kilay kong hairstyles ko. "First day of work but you're late, Ms De Guzman," naiiling saad nito kaya napayuko ako. "Sorry po, Ma'am." "Your still lucky, Ms De Guzman. Because our boss is not yet here. Follow me," nakahinga akong napasunod dito. Abot langit ang pasasalamat kong wala pa ang boss namin. Late ako pero mas late ang amo ko? Ang swerte ko naman! Ngingiti-ngiti akong naglalakad kasunod ito na napapakendeng na ginagaya ko. "Ms De Guzman. . . dito ang table mo. Unang rules na pumalya ka agad, ayaw na ayaw ni boss Akhie ng nale-late, dapat on time ka lagi lalo na sa pag-submit ng mga papeles at schedule nito," tumango-tango akong matamang nakikinig dito. "Yes Ma'am, noted po. I'm sorry po ulit," napaangat ito ng tingin at napahingang malalim bago matamis na ngumiti. "Hindi madaling ma-impress si boss, kaya dapat maingat bawat kilos mo sa harap niya at dapat alerto ka sa lahat ng bagay. Istrikto siya at normal na sa kanya ang nakabusangot at salubong ang mga kilay kaya masanay ka na. Sana magtagal ka sa kanya, alam mo ba. . .? Sampung taon na akong secretary niya. Taon din ang tiniis ko na araw-araw akong nabubulyawan ni boss noon. Pero nanatili ako sa tabi nito dahil kahit istrikto at arogante siyang boss, kapag mas nakilala mo na siya? Masasabi mong may mga katangian siyang nagkukubli sa totoong pagkatao niya. Kaya kung sesermonan ka non? Pasok sa isang tainga, ilabas mo sa kabila. Hwag mong damdamin, kuha mo?" pagkukwento nito. Napapatango na lamang ako sa mga tip nito para ihanda ang sarili sa sasapitin ko sa bagong amo ko. Maya pa'y tumunog ang intercom. "Ms Divina, coffee." Ani ng baritong boses na ikinatigil namin. Bigla akong nilukob ng kaba pagkarinig sa baritonong boses nito. "Come. . . I'll introduce you to our boss," napalunok akong napasunod dito. Napapayuko pa ako dala ng kaba kong makaharap na ang bagong boss ko. "Good morning, Akhie. Mukhang puyat tayo ngayon ah," malambing saad nito. "Wow, natatawag niya si boss sa first name nito," sa isip-isip ko. "Morning, may isang lintek na nilalang kasing nagpaalaga pa sa akin kagabing nadampot ko sa Bar. Nakakairita ang babaeng 'yon, mabuti hindi ko na nakagisnan kanina ng 'di ko nasipa palabas ng unit ko," anitong ikinalunok at kaba ko lalo habang nakakubli sa bulto ni Ms Divina na napahagikhik pa. Buti pa siya hindi na kabado at ka-close na ang amo naming boses pa lang ay nakakakaba na! "Himala yatang. . . naging mabait tayo Akhie, hmm? Maganda naman ba?" may halong tudyo ang tono nitong ikinatawa ng mahina ng kaharap. Ang sarap sa tainga ng mahinang pagtawa nito. Walang halong kaartehan. Bakas talagang masaya siya. "Maganda. . . iba ang ganda. Para siyang anghel sa amo ng mukha pero nakaka-turn-off ang ugali. Iinom-inom na hindi kaya ang sarili. Kung ibang lalake lang ako na nangi-uwi sa kanya ay may kinalagyan ang dalagang 'yon. Hubot-hubad pa namang natulog ng kama ko," natatawa na may pagkairitang sagot nito. "Tapos hindi mo pinatos?" may halong pagtatakang tanong ni Ms Divina. "Hindi ko siya type, noh? Baka nga sinadya niyang magtulog-tulugan at naghubad ng lahat ng saplot kagabi para akitin at mapikot ako. In her dreams," ismid nito. "O siya, nandito na ang bagong secretary mo. Maging mabait ka sa kanya, Akhie. Ni-recommend na siya sayo kaya umayos ka. Nakakahiya sa Ninong Andrei mo," anito. Ramdam kong tumayo naman ito. "Ahm. . . Ms De Guzman, why are you hiding?" baling nito na umalis na sa harap ko. Unti-unti akong nag-angat ng mukha at napaatras sa pangangatog ng mga tuhod ko nang magtama ang mga mata namin ng lalakeng kaharap ko na katulad ko'y bakas ang kagulatan na nanlalaki ang mga mata! "Ikaw!?" "You!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD