6

363 Words
Sixth Entry October 02, 20X7 Monday Third year na tayo, regular ka pa rin at ako irregular na. Pagkatapos ng birthday ko kung saan kinantahan mo sa harap ng maraming tao you stated to act weird, may binibigay ka na palagi sa akin na bulaklak, chocolates at minsan may stuffed toys pa. Lagi mo na rin akong sinusundo sa bahay at hinahatid din. Ngunit nung pagdating ng January, di mo na ko mahagilap. Ako naman yung naging weird. Huminto ka muna sa pag hatid at pagsundo sa akin. Dumalas din ang pag pasok ko. “Bakit di ka masyadong nagpapapasok mula January hanngang March, Soul?” Minsan isang araw nung bakasyon naitanong mo at ako bilang ako ay nagkibit balikat lang. Dahil sa pag absent ko naapektuhan ka, napagalitan ka ng mga professor sa pagbaba ng mga marka mo at ako naman lahat na yata ng klaseng grades ay nagkaroon ako—Incomplete, Unofficially Dropped, at Failed.  Pero nung bakasyon na isinama mo ako sa Baler, tuloy ang pag kaweird mo. Sabi pa ni Shey, na syang itinuturing kong babaeng bestfriend, ay lagi daw mainit ang iyong ulo pag wala ako at di mo ako nakikita. Nagsimula ang first sem ng third year na hindi mo na naman ako mahagilap. Ikaw na nga ang nag-enroll sa akin. Lagi mong tinatanong kung may problema ba ako, lagi kong sinasagot na wala at ayos lang ako, pero di mo ako pinaniniwalaan. Nagsimula ang klase. Kung wala kang ginagawa ay itinuturo mo sa ain ang mga napag-aralan mo. Pinapaliwanag mo sa akin ang mga lecture proper na hindi ko maintindihan. Nakikita kong nahihirapan ka nan a pagsabayin ang pag tuturo mo sa akin at sa pag gawa mo ng thesis pero nag papatuloy ka pa rin. Hindi mo naman dapat gawin ang mga iyon, ginagawa mo pa rin. *** Pag kahatid mo sa akin sa aming bahay kanina, madalas ay pinapanuod mo lang akong makapasok hanggang sa gate pero kanina ay hindi. Sinabayan mo ako sa pagpunta sa gate at nang papasok na ako pinigilan mo ako. Saksi ang buwan at mga bituin sa mga katagang binitiwan mo, Marco. “Soul,I want to tell you that, I love you more than bestfriends. Mahal na mahal kita.” … At ako, mahal na ba kita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD