3

482 Words
Third Entry March 16, 20X6 Wednesday Nalagpasan na natin ang unang taon sa kolehiyo. Simula nang maging mag partner tayo sa sayaw sa PE ay naging malapit tayo sa isa’t-isa. Kinakausap mo na ako kahit minsan ay tango at kibit balikat lamang ang isinasagot ko sa iyo. May mga kaibigan ka ngunit sabi mo ay medyo ayaw mo sa kanila dahil tuwing matatapos ang huling klase ay nag aaya silang mag inuman na ayaw na ayaw mong gawin dahil allergic ka pala sa alak at kahit sa amoy pa lang ay mangangati at mamumula na ang iyong katawan. Kung kaya’t ako at ang mga kaibigan ko na lamang ang iyong sinasamahan tuwing pagtapos ng huling mga klase. Nang nagsimula ang second semester, mas pinili mong umiba ng block upang maiwasan at tuluyan nang malayuan ang mga bad influence mong mga kaibigan. Oo nga’t magaling kang makisama sa tao, ngunit mas magaling ka pa lang mamili kung sino ang pakikisamahan mo. Nakahanap ka ng mga bago at mas matitinong makakasama. Hindi na tayo magkablock pero sa tuwing makikita o makakasalubong mo ako ay binabati mo ako at kinakawayan, patuloy yon kahit na ang tugon ko lang sayo ay tango. Sa ibang block malayo sa dati mong mga kasama ay mas naipamalas mo ang iyong galing. Mas naging mataas ang iyong mga marka sa minor man o sa major subjects, mas dumami ang tigahanga mo, mas nakilala ka sa course natin at mas lalo tayong nagkalapit. Nagkalapit tayo dahil minsan isang gabi kinailangan ko ang tulong mo. Nahirapan ako sa isang math subject na pinakakinaaayawan ko, at ikaw ang unang tao at nag iisang tao na pumasok sa isip ko na makakatulong sa akin. Nagkaroon tayo ng kasunduan na tuwing ika-4 hanggang ika-5 ng hapon ay magkikita tayo upang maturuan mo ako. Walang naging problema sa akin iyon dahil tapos na ang klase ko sa mga oras na iyon at may sundo naman ako. Tuwing tinuturuan mo ako ay lagi kong napapansin na palaging itim ang suot mo. Kaya isang hapon nagtanong ako at ang sagoy mo ay “Black is my happy color that’s why.”  Nag kibitz balikat na lamang ako at tuloy na ulit tayo sa itinuturo mo. Laking pasasalamat ko sayo dahil sa tinuturuan mo ako ay pumapasa ako sa mga quizzes at exams. Natutuwa kanam sa mga kinakalabasan ng pag tuturo mo kaya tuwing sabado na free day natin ay inaaya mo at sinasabi mo na ayain ko rin ang mga kaibigan ko para makapag kape tayo o di kaya ay food trip na lagi mong libre. Di naman ako makatanggi dahil wala kang hininging kapalit sa pagtuturo mo sa akin. “Nasasanay na ako sa presensya mo.” , sabi mo sa akin minsan isang sabado ng pebrero. Tinignan kita at tumango bilang pagsang ayon sa sinabi mo. Nasasanay ka sa presenya ko at alam ko na pati narin sa presensya ng mga kaibigan ko. …Pero ako nasasanay na ba ako sa presensya mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD