" Paano na 'yan? Tulog ang birthday celebrant oh!" mahinang sambit ni Samara habang nakatingin kay baby Kaitey na mahimbing na natutulog sa braso ng yaya nito.Nakasuot ito ng pink na cute dress at nakayakap ito sa maliit na teddy bear .Napaka cute nito habang natutulog , parang nakikita niya ang sarili niya sa kanyang anak. Natulog na agad ang anak niya pagkatapos lamang itong kantahan ng birthday song. Naalala niya noong araw na pinanganak niya si baby Kaitey sa Germany. 'Yun ang araw na naging kumpleto siya bilang isang babae at bilang isang ina.Nasa Pilipinas na pala sila ngayon at kasalukuyang idinaos ang kaarawan ni baby Kaitey sa condo unit niya. Mga malalapit na kaibigan lamang naman ang naroon, yung alam ang totoong nangyari sa kanya at kug sino nga ba talaga siya sa likod ng mas

