After lunch pa ang flight nila kaya naisipan niyang muling pumunta na muna sa office ni Devon.May isang bagay pala siyang nakalimutang isauli sa lalake.She looked at their wedding ring while driving.Hindi na pala niya dapat isuot iyon in the very first place.Napakaikling panahon lamang niyang nagamit ang singsing na iyon pero siguro ay sapat na rin ang maikli ngunit masasayang ala-ala na naranasan niya Kay Devon. Kahit na paano ay hindi na siya ignorante sa kung ano ang pag-ibig.Masaya pero kapag mahina kang nilalang ay malaki ang epekto nitong hatid sa isang tao. Maaga pa ay narating na niya ang company ni Devon.Ang sabi ng sekretarya nito ay may dadaanan pa raw ito at late nang papasok .Pero dahil gusto na talaga niyang iwan ang singsing ay kinausap niya ang sekretarya na papasukin siya

