Umalis na ang mga bisita ngunit sila ni Devon ay nanonood pa ng adventure movie .Nakahiga siya sa legs nito while he is taking a sip of wine while watching. Nakashorts lamang si Devon at nakasando, pati siya ay nakasuot na rin ng mahabang pajama at nakajacket rin dahil sa sobrang lamig ng kwarto. Nawalan siya ng ganang matulog , sa haba ba naman ng tulog niya kanina ay recharge na naman ang diwa niya. Pinagsabihan naman niya si Devon na mauna na itong matulog ngunit gusto pa raw umano nitong ng alak. Kanina ay pinaghatian ng mga bisita ang natirang mga pagkain. Hindi na naman nila mauubos iyon dahil bukas ay maaga na rin silang aalis dahil kailangan niyang bisitahin ang Olive's Kitchen at si Devon naman ay may meeting sa company nito. " Hmm, ano ba!" aniya nang maramdaman ang kamay ni

