Dumiretso na kaagad siya sa kanyang condo pagkagaling niya sa mansion nina Devon. " Ate? Ikaw po ba si Kate Green?" Tumingin lamang siya sa dalagitang lumabas mula sa pinto ng katabing unit niya. " K-asi po, m-ay lalakeng naghanap po sa'yo noong isang araw eh.Sabi niya pakibigay ko na lang raw po ito sa'yo, aalis na raw po kasi siya at baka hindi na kayo muling magkita pa." dagdag pa ng babae. Lumabas ito at lumapit pa sa kanya. Inabot nito ang isang maliit na plastic bag sa kanya. Kunot ang noong kinuha niya niyon mula sa kamay nito. Hinalungkat niya ang laman ng platic bag. Isang notebook at isang lapis iyon. Labis siyang nagtataka , sino ang magbibigay sa kanya ng lapis at notebook? Hindi naman niya kailangan iyon. " Sinabi ba niya sa'yo ang pangalan niya?" " Hindi po pero natat

