Naalimpungatan siya nang makaramdam ng pananakit ng kanyang ulo. Pero nang mapansin niya na iba ang kulay ng pintura ng kwarto ay bigla siyang bumangon. Tumingin siya sa kan'yang relo, mag-aalas otso na ng umaga. " Ay, good morning Kate! Mabuti naman at nagising ka na! Wait lang ah? Umorder ako ng arroz caldo , paakyat na 'yon!" nakangiting sambit sa kanya ni Antartika . Nakaupo ito sa harap ng mirror at sinusuklay ang mahabang buhok. " Naku, sorry talaga kagabi, hindi ko alam na nag lakas pala ng tama ng wine na 'yon! Ang akala ko eh super lights lang pero matindi pala eh. Tipsy na rin ako kagabi kaya naisipan ko na lang na dito na lang muna tayo sa malapit na hotel. I also changed your dress na rin para kumportable ka. " " Nawalan ako ng malay?" tanong niya. " Yes kate. Nagpatulong na

