Pinagtitinginan siya ng mga tao nang lumabas siya sa kanyang kwarto at nagpahangin saglit sa may maliit na garden ng hospital na anasa dulong bahagi ng palapag kung nasaan ang kwarto niya. Wala siyang suot na mask kaya alam niyang nakakakuha siya ng maraming atensyon sa sandaling yon. Wala siyang pakialam sa mga ito, kung ganito ang itsura niya sa ngayon ay tanggap niya. For her being worst than ugly is okay mas mabuti nga iyong pangit siya para walang lalake ang lalapit sa kanya. Tumingala siya sa kalangitan , nagbabadya na naman ang ulan dahil sa mga maitim na ulap .Natawa siya sa sarili habang iniisip na hindi siya dapat na maging malungkot sapagkat mas pangit pa ang pagmumukha niya kaysa sa sa panahon sa sandaling 'yon. Hinimas niya ang kanyang tiyan, ilang araw na lang ay makikita n

