" You look so stunning with that perfect body, Kate!" bulong sa kanya ni Dino pagkatapos siya nitong halikan. " Dino naman, hindi naman ako na informed na aside sa award na 'to ay may award ka rin sa'kin!" mahina niyang sambit habang kinukunan sila ng litrato . Nakangiti siya ngunit paimpit siyang nagsasalita kay Dino. " Sorry Kate but I just can't stop it!"bulong nito sa kan'ya. Habang bumababa siya sa entablado ay nakaalalay sa kan'ya si Dino , hawak nito ang bewang niya habang pahakbang sila pababa ng hagdan. Nang makababa na siya sa entablado ay biglang hinapit ang bewang niya at idinikit sa katawan nito. " I thought you were with Samara and Cathlea." bulong ni Devon sa kanya . Ni wala man lang bakas ng ngiti sa mukha nito. " Ay, hello husband! Hindi ko ba sinabi na dito kami pu

