Nagising siya nang makarinig ng ingay sa loob ng kanilang kwarto. Si Devon iyon na pa gewang gewang na naglalakad papasok sa kwarto nila at nabangga yata ito sa aparador. " Hey!" Bumangon siya sa kama't sinalubong ang asawa. Amoy alak ito at lasing. " S-Sorry babe, nagyayang mag-inuman ang mga kaibigan ko eh. " nauutal na sambit ni Devon . Nakaakbay siya sa isang braso nito dahil na ito diretso kung maglakad. " Hmm, ikaw naman mabuti at naka drive ka pa pauwi. Tingnan mo nga ang sarili mo oh, lasing ka talaga! Devon naman paano kung nadisgrasya ka!" mahinang wika niya. " Pasensya na talaga , babe ah? H-Hindi na mauulit promise!" " Hmmp, hindi na mauulit ? Sa inuman pa kaya? Sige na , humiga ka na..." Inihiga niya ito sa kama. Una niyang tinanggal ang sapatos nito at sinunod naman an

