Vala’s POV Maaga akong pumunta sa condo ni Alaric. Sabi niya, alas singko palang ng umaga ay dapat narito na ako at nagluluto ng almusal. May magiging lakad daw kami. Tapos ang almusal na gusto niya raw ay lugaw na may sinangkutsang manok. Nag-request pa ito ng almusal. Kaya naman ito, nagsisimula na akong magluto habang nanlalata ang katawan ko. Ilang oras lang ata ang tinulog ko. Pa-umaga na kasi nang matapos kami sa barbecue party namin. Sana lang masarap ang pagkakaluto ko nitong lugaw na may sinankutsang manok. First time ko kasing magluluto ng ganito. Hindi ko pa naman kinakausap pa si mama kaya hindi niya rin ako naturuang magluto ng ganito. Nandito na naman ako sa kusina niyang puro updated na gamit ang mayroon. Sa tabi ko, nasa may kalan na ang malalaking kaldero na puno ng tu

