Vala’s POV Saktong papasok na ako sa loob ng hospital room ni Alaric nang lumabas sa pinto si Ma’am Maralica. Dahil doon, inaya niya muna akong mag-usap saglit. Pumunta kami sa isang coffee shop malapit dito sa hospital. ‘Yung mga gamit ko, inutos na niya sa kasama niyang alalay na ipasok na sa loob ng room ni Alaric. “Vala, sorry ah. Gusto ko sanang makapagpahinga ka na muna, pero gusto talaga ni Alaric na ikaw ang magbantay sa kaniya. Siguro nga ay talagang inaalagaan mo siya ng husto.” Kinuha niya ang kamay ko at saka ito pinisil-pisil. Ang bait talaga nitong si Ma’am Maralica. “Anyway, narinig ko na kay Piccaso ang dahilan kung bakit inaalipin ka ng anak ko. At kinalulungkot kong malaman ‘yon.” “Sorry po kung nasira ko ang mamahaling sasakyan niya,”sabi ko sa kaniya habang nahihiya.

