Vala’s POV
“My God, Vala. How many times have you thought of doing that? For sure, you’ll end up in jail,” sabi ni Hendrix. Ang baklang parlolista na kaibigan ko. “You don’t have a billion pesos, so you better be prepared,”sabi pa niya kaya lalo na akong natakot. Narito kami ngayon sa bahay nila Nadia, isa ring kaibigan ko na florista naman.
“Na-stress nga ako bigla. Ayoko tuloy umuwi sa bahay dahil kapag nalaman ni mama ang ginawa ko, tiyak na malulungkot din ‘yon,” sabi ko. “Pati nga si Claud, na-stress din. Hindi na tuloy sumama dito,”dagdag ko pa.
Napatungga tuloy agad ako ng alak. I need alcohol now. I need to forget what happened. Also, I need to have fun tonight because this might be the last time I can drink and bond with my friends since Alaric is going to have me arrested.
“Hey, Hendrix, let’s think of a solution. Kawawa naman si Vala kung makukulong na lang siya basta,” pag-aalala sa akin ni Nadia. Lalo tuloy akong nalungkot.
“Isa ka pa, paano natin malulutasan ang problemang ‘yan eh, napakahirap kayang makalikom ng isang bilyong piso. Isang milyong piso nga lang mahirap nang hanapin, isang bilyon pa kaya,” sagot ni Hendrix. Ang baklang ito, hindi manlang palakasin ang loob ko. Lalo lang ako nai-stress sa mga lumalabas sa bibig niya.
“Baka naman puwede mo pang mapakiusapan si Alaric. Baka naman mabait siya,” sabi ni Nadia habang hinahagod na ang likod ko.
“Sabihin mo, gawin ka na lang niyang s*x toy, baka sa sakaling pumayag siya,” pabiro pang sabi ni Hendrix kaya tinignan ko siya nang masama.
“Bakla, if you don’t have anything nice to say, just keep your mouth shut!” inis kong sabi sa kaniya at saka ako umirap.
“Fine, ganito na lang, try mong sabihin sa kaniya na babayaran mo siya at uunti-untiin ang pagbigay ng pera sa kaniya. Malay mo pumayag siya,” seryoso nang sabi ni Hendrix kaya napaisip tuloy ako. Hindi rin ako sure kung papayag siya, pero susubukan ko ring sabihin sa kaniya ‘yon kapag nakipagkita na siya sa akin.
“Oo nga, ganoon na lang. Subukan mo, para hindi ka na makulong.”
Tumango ako at saka sila niyakap. At dahil may tama na ako ng alak, napaiyak at humagulgol na talaga ako. Natatakot kasi ako. Naiisip ko palang kasi na makukulong ako ay nalulungkot na ako, tapos ilang taon pa roong mamamalagi. Ayoko talaga. Hindi ko kayang mabuhay ng matagal sa kulungan. Ang boring doon, tapos puro criminal pa ang kasama ko.
**
“Hoy, Vala, anong problema at lasing na lasing kang umuwi kagabi?”
Nagulat ako dahil paglabas ko ng kuwarto ko, nakaabang pala sa labas si mama. Teka, hindi siya pumasok ngayong araw?
“Nagkasiyahan lang naman po kami kagabi, saka minsan lang mangyari ‘yon,” sagot ko habang nakangiti kahit sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang-over.
“Eh, kung ganoon, ano ‘yong iniiyak mo sa akin sa kusina nung umuwi ka kagabi? Hindi mo ba natatandaan na nag-usap pa tayo kagabi sa kusina? Iyak ka nang iyak dahil sabi mo ay may babayaran kang isang bilyong piso sa isang mayaman na lalaki na sinira mo ang mamahaling kotse.”
Namulat lalo ang singkit kong mata nang sabihin niya ‘yon. Ibig sabihin ay nagsabi na pala ako sa kaniya kagabi. Buwisit, ang daldal ko talaga kapag lasing.
“Ginawa ko po talaga ‘yon?” tanong ko pa.
“Oo, kaya nga hindi ako pumasok ngayon dahil talagang kakausapin kita. Aba, hindi biro ang isang bilyong piso, anak. Saka, kapag nagsasabi ka, lalo at paglasing, alam kong totoo at walang halong biro, kaya kinabahan din talaga ako. Hindi nga ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sinabi mo eh.”
Napangiwi tuloy ako. Ang tanga ko. Hindi ko na dapat sinabi sa kaniya ‘yon dahil alam kong mai-stress talaga siya. Inaya ko tuloy siya sa sala para maupo sa sofa.
“Ano, totoo ba ‘yon? Na may kailangan kang bayaran na isang bilyong piso?” tanong niya pagdating namin doon. Patingin-tingin tuloy ang stepfather ko sa amin kaya nahihiya ako.
“Ma, totoo po ‘yon. Pero gagawan ko po ng paraan, akong bahala,” pag-aamin ko na sa kaniya kaya nakita kong lalong namoblema ang mukha. Pagtingin ko kay Tito Apollo, nakita ko na nagulat din siya.
“Anak, hindi biro ang isang bilyon ah. Hanggang kailan mo babayaran sa kaniya ‘yon? Saka, mabuti kung pumayag siya? Baka ipakulong ka nalang niya. Sino ba ang taong ‘yan? Sino ang mayaman na ‘yon na sinira mo ang kotseng mamahalin?” sunod-sunod niyang tanong. Ayan na, na-stress na talaga si mama. Pagtingin ko ulit kay Tito Apollo, napapailing na lang siya habang paika-ikang naglalakad papunta ng kusina.
“Ang CEO po ng Sullivan wine at Sullivan beer,” sagot ko sa kaniya habang nakangiwi.
Nagulat naman siya bigla nang sabihin ko ‘yon. “S-sino, si Alaric ba? Si Alaric Sullivan?”
Pati ako ay nagulat dahil kilala rin pala niya ito. Ako na nga lang pala talaga ang hindi nakakakilala sa lalaking ‘yon.
“Opo, mama, siya nga po.”
“Anak, alaga ko si Alaric. Isa siya sa simula palang noong bata ay inalagaan ko na sa mansiyon ng mga Sullivan. Doon ako nagtatrabaho sa kanila, anak,” sabi niya na lalo kong kinagulat.
“Kung ganoon ay may magagawa po ba kayo?” tanong ko sa kaniya. Bigla tuloy akong nabuhayan ng loob, pero nang biglang nagpakita ng lungkot sa mukha si mama ay kinabahan ako ulit.
“Anak, nitong mga nagdaang buwan, hindi na kami masyadong nag-uusap. Malaki na siya, ayaw na niya nang bini-baby siya. Parang lumayo na rin ang loob niya sa akin. Ang dating good boy na Alaric, naging bad boy at babaero na ngayon.”
“B-bakit po? Anong nangyari?” tanong ko pa.
Sabi ni mama, sa pamilya nila Alaric ay hindi uso ang sweet. Lumaki si Alaric na si mama lang ang nagpaparamdam ng pagmamahal sa kaniya. Siya ang parang naging ina nito dahil ang mga magulang niya, busy palagi sa trabaho. Ni okasyon nga raw ay walang nagce-celebrate sa kanila. Kahit pasko, bagong taon o maging birthday ay wala talaga. At nang lumaki na si Alaric at magkaisip na, doon na niya in-enjoy ang buhay niya gamit ang yaman nila. Buwan-buwan, iba’t ibang babae ang dinadala nito sa bahay nila. Buwan-buwan, bagong babae ang karelasyon niya. Walang nagtatagal ng babae sa kaniya. Hindi alam ni mama kung anong klaseng babae ang hinahanap nito, pero ang totoo raw ay gustong-gusto na niyang makasal.
Matapos naming mag-usap ni mama, sinabi niya sa akin na susubukan niyang kausapin si Alaric. Aasa ako na may magagawa si mama. Pero kung wala man, ang suggest ni Hendrix na lang ang gagawin ko.
**
Hapon na at papunta sana ako sa cake shop ko para tignan ang inaayos nang harap nito nang tawagan ako ni Alaric.
“Hello, Alaric?”
“Let’s meet now here at my condo, Vala. Hurry up and don’t make me wait for long,” sabi niya sa kabilang linya kaya kinabahan na agad ako.
“Yes, I’m on my way.” Pagsagot ko pinatay na agad niya ang linya niya.
Imbis na bumaba na sa harap ng cake shop ko, tinuloy ko na lang ang pagmamaneho ng sasakyan ko. Ayokong paghintayin siya at baka lalo pa siyang magalit.
I hope he won’t have me arrested and instead offer some sort of agreement. I’ll do anything, as long as he doesn’t send me to jail.