Napatigil ako nang nginunguya na niya ngayon ang pagkain ko. He’s supposed to only have one taste, katulad nang ginagawa ng mga judge, pero inubos niya ang luto ko ngayon. Napapalakpak ang tao at nagsimulang magsigawa ang mga sumusuporta sa’kin. I could see their smiles while looking at me. Like they are so motherfucking proud of what I did. Napapigil ang hininga ko. Hindi ko magawang maging proud sa sarili ko. Gusto kong itigil ang programa at magtawag na kaagad ng medic dahil alam kong ilang minuto lang ay aatakihin na si Lemeul. Pero wala akong nagawa. Nakanganga lang ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Lemeul pushed his plate and started wiping off his mouth with the use of table napkin. Then, he immediately give the emcee a thumbs up, senyales na tapos na siya. “W-Wow!” nau

