Dumating ang nakatakdang oras para sa meeting naming iyun. Nakita ko ang ngisi ni Lemeul habang inaayos ko ang tie sa kaniyang suot na suit. Hindi ko iyun pinansin dahil alam kong aasarin lang naman niya ako dahil sa nangyari kanina sa bathroom. Nanatiling seryoso ang mukha ko habang mas lalong hinihigpitan ang kaniyang tie. He noticed it. “Kinda aggressive,” he whispered, looking over on my face. Sobrang tangkad niya habang ako naman ay nasa balikat pa rin niya kahit naka-six inches heels ako ngayon. What more kung wala akong heel? Hinding-hindi ko na talaga siya maabot kung ganoon. I sighed. “Tapos na,” sabi ko at umatras, pero hinigit niya ang hita ko dahilan upang magbanggaan ang aming dibdib. Namula ako dahil doon at napaiwas ng tingin. Kaya ayaw kong kunin ang trabahong ito, eh.

