Nagpadala ng mensahe sa’kin si Sebastian sa aking cellphone. It looks like he knows that I am using this phone and texted me with his own cellphone. Sinabihan niya ako na kailangan kong pumunta sa mansion nila kasama si Lemuel. Lemuel already knew this, ayon pa sa kaniya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya sinabi sa’kin. I feel like he doesn’t fully trust me. “Lemeul,” banggit ko sa kanyang pangalan nang naghuhugas siya ng plato sa kusina. Napasulyap siya sa’kin at napahilig naman ako sa sink. “What is it?” tanong niya. “Nag-text sa’kin si Sebastian.” Tumango siya na para bang wala lang ito sa kaniya. Hindi niya talaga sasabihin sa’kin? Naghihintay siya sa idudugtong ko, pero tahimik lang ako. Kung naghihintay siya, mas lalo akong naghintay, ngunit wala talaga. “Aren’t you

