“Kailangan mong makipagtulungan sa’min, Miss,” pagbuntong-hininga ng babaeng officer sa’kin. Walang tigil ang panginginig ng kamay ko habang nakatingin sa nanlilisik na tanong ng babae. Pang-pitong beses na kasi itong tanong niya sa’kin pero puro iling lang ang sagot ko, walang lumalabas sa bibig ko. “S-Sorry, hindi ko talaga alam kung anong nangyari,” bulong kong sagot sa kaniya at napaiwas ng tingin. Nakatingin na ako ngayon sa nakatulalang Tanya. Sa b****a ng police station ay nakita kong nagkagulo ang pamilya ni Tanya, at ang kamag-anak ni Bernard. Napaiwas ako ng tingin. “Nakita ko lang na nakahandusay na sa sahig ang asawa ng kaibigan ko. Hindi ko talaga alam – “ Napatayo ang babae at kulang na lang ay sasapakin na niya ako. Suminghap lang ako dahil doon. “Ayoko na! Ikaw nang ma

