Emma will not forgive me. Aleng Marites will be disappointed of me. Evan will loath me for not explaining to him my situation. Patuloy lang ako sa pag-iyak ng mataimtim habang nasa likod ni Manong Raul. Hindi siya nagsasalita at tanging ang tunog lang ng makina sa maliit ng Bangka ang naririnig. Malinaw ang dagat kahit na madilim ang langit. Pagkarating namin sa bandang gitna ng dagat, napatigil ang makina ng Bangka. Nanlamig ako sa kinauupuan ko at napalingon kay Manong Raul. “Manong, anong problema?” natataranta kong tanong sa kaniya dahil tumigil ang makina. Napalingon si manong sa’kin. “Ah, ganyan lang yan kapag nasa gitna na tayo ng dagat.” Tumango ako kahit na nagsimula na akong kabahan. Paano kung hindi kami makaka-punta sa pantalan ng Lapu-Lapu? Paano kung madadatnan kami

