“Bakit?” inis na boses kong tanong kay Lemuel at hinarap siya. “Galit ka na naman dahil may nang-aayaw sa’kin? At kapag tinanong kita ulit kung bakit, sasabihin mong you saw me as your little sister?” Umigting ang panga ni Lemuel at kinuha ang pulsuhan ko, hindi na pinansin pa si Evan sa bakuran. “Let’s talk about what happened.” “There’s nothing to talk about!” sigaw ko sa kanya at tinignan si Evan sa kanyang likod. “Uwi ka na, Evan,” sabi ko sa kanya. Hindi umangal si Evan, pero hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Tinatansya niya kung ano ang gagawin sa pagitan naming ni Lemuel. “Let’s talk, Ames. Hindi ako aalis.” “Sinabi niyang umuwi ka na, bata!” sigaw ni Lemuel kay Evan at sa tingin ko ay nainsulto si Evan dahil sa tinawag niya. Oh my God. Malala na ‘to, “L-Lemuel,” n

