Habang patagal nang patagal na nag hahanap si Dave kay Marikit ay nararamdaman naman niya ang pagod sa katawan nito. Nag hanap muna siya ng isang mauupuan na bench at doon na muna naupo upang mag pahinga. Tumingin tingin naman siya sa paligid niya at nag babasakali na makita si Julia ngunit wala talaga dito. Huminga naman nang malalim si Dave at napa pikit naman ito bigla. Bigla rin naman may tumabi sa kanya habang hinihingal din ito. "H–hoy yung cellphone mo... si... si Julia nasa isang concert hall, hay nako nanonood daw ng concert ng isang banda. Why don't we ata yun, oo yun hay, hiningal ako pero tara na puntahan na natin don," saad ni Andrew. Tiningnan naman ni Dave ang cellphone niya na hawak ni Andrew. "Hoy bilis na," saad ni Andrew. Agad naman ito kinuha ni Dave at tumayo mula

