Paglampas ng hapon ay nag tipon naman ang ilang mga high school students sa labas ng guidance office na ipinagtaka nila Marikit at ni Melissa. Agad naman na lumapit doon silang dalawa at pinuntahan ang ilang mga estudyante na nag sisiksikan doon sa labas ng office. Nagtanong tanong naman silang dalawa sa ibang mga estudyante kung ano ba ang nangyayari doon. Habang nakatayo naman sila Marikit sa pwesto nila ay bigla naman niya na rinig sa katabi niya pumunta raw si Ren, isang sikat na artits kaya naman nanlaki ang mata niya, si Melissa naman ay hinampas hampas siya sa balikat nito sabay tili. "Hala baliw ba't nandito si Ren, anong ginawa ng school natin na ang dami nila na pumunta ngayon dito," mabilis na ani ni Melissa kay Marikit. Sinubukan naman nilang dalawa na makipag siksikan sa mg

