Chapter 6

1023 Words
Ipinag patuloy naman ni Marikit sa pag babasa ng libro hanggang sa tinamad na talaga ito ng husto at naiispan ng matulog. Sumunod na araw, lagi sila lola Karen at Marikit nagigising ng maaga pa sa mga manok dahil marami pa silang lulutin sa karinderya. Maaga rin umaalis ang ina nila papuntang palengke na nag titinda ng ilang gulay at mga halaman. Inihatid din sila ni Henry ng indibiwal dahil namamasada rin naman ito buong araw. Sa buong araw hanggang tanghali ay marami na rin naging customer sila Marikit dahil sa mga construction worker narin na ilan sa mga kasama ni Kiko at na kumain ng umagahan at tanghalian sa kanilang karinderya. Nang sumapit na ang tanghali ay agad naman hinintay ni Marikit si Dave dahil kakausapin nya talaga ito tungkol sa plano nya. Hindi na rin sya mapakali dahil sa maganda nyang plano na siguro syang gagana talaga sa pag sapit ng araw. Nang dumating si Dave ay agad nya ito binigyan ng mga pagkain na ipinagtaka naman ni Dave. Sino ba naman 'di mag tataka kung sa tanghalia mo e ang dami dami mong kakainin. "Upo ka na mag uusap tayo," ani ni Marikit. Nang makarating si Dave sa karinderya nila lola Karen ay agaf nyang nakita si Marikit na nag bebenta ng mga ulam sa harap ng karinderya. Napahinga naman sya ng malalim at marahan na lumapit sa tindahan upang maka kain na sya ng tanghalin. At isa pa, kakausapin din daw sya ni Marikit at nagtataka naman sya kung ano ba talaga ang plano ng dalaga. Pagka lapit nya ay agad naman napangiti sa kanya si Marikit. "Upo ka dyan mag usap tayo," ani ng dalaga sa kanya. Wala naman syang magawa dahil nandito na naman talaga sya araw araw sa karinderya ni lola Karen. Naupo naman agad si Dave sa upuan na libre at hinintay kay Marikit ang pagkain nya. Nang makabalik si Marikit na dala dala ang pagkain ni Dave, agad naman nya ito na binigay sa binata upang makain na ito agad at maka usap narin nya ito ng mabilis. "So anong pag uusapan natin?" Tanong ni Dave nang maka upo na si Marikit sa harap nya. Ngumiti naman ang dalaga sa kanya at napatingin sa malayo. "Ano kase eh... diba balak ko na mag audition sa Pera o Kaldero eh hindi naman ako matalino para masigurado ko na mananalo ako doon kaya naisipan ko na isama ka para kung manalo man tayo, hati tayo ng reward," pag papaliwanag ni Marikit kay Dave. Napatingin naman si Dave sa kanya na parang hindi makapaniwala kaya nahihiyang tumawa ng mahinahon si Marikit. "Sasali ako don?" Tanong ni Dave. Tumango tango naman si Marikit. "Sure ka?" Dag dag pa ni Dave. "Oo nga ano ba. Tapos kung manalo ka edi hati tayo, oh diba ang talino ko talaga," ani ni Marikit. "Luh pinagsasabi mo. Ba't hati tayo eh ako yung nanalo don," napangiti lalo si Marikit at marahan na lumapit kay Dave. "Gago ka hahatian mo talaga ako kase ako yung nag yaya sayo na sumali don. Dapat lang talaga na hahatian mo ako kase kung wala ako, edi wala kang may pinalanunan don," mabilis na ani ni Marikit. Napahinga naman ng malalim si Dave. Kung si Marikit kase ang makaka usap nito ay madali talaga syang mapikon. "Teka, bigyan mo nga ako ng reason kung bakit ako sasama sayo mag audition sa Pera o Kaldero ha. Isa pa kung manalo ako at ikaw hindi, baka kung anong sabihin mo sa akin ha. Ayoko ng gulo Marikit," ani ni Dave. "Kalma ka lang okay, ang gagawin mo lang eh pumunta sa tamang sagot tapos susunod din ako sayo para manalo tayong dalawa." Bigla namang naisip ni Dave kung anong mangyayari pag manalo sila ngunit ang nasa isip nya rin ay ang exam nila sa paparating na mga araw ngayong linggo. Na isip nya rin ang mga posibilidad na kung manalo sila ni Marikit doon ay may malaking premyo talaga sila na makukuha. "Pag iisipan ko lang," ang sagot naman ni Dave. "Dapat bukas may sagot ka na na sigurado ha para maka audition na tayo agad sa mga susunod na araw," saad ni Marikit. Tumango tango naman si Dave at nagpatuloy sa pag kain nito ng tanghalian nya. Pagkatapos non ay pumunta naman si Marikit sa kusina ng karinderya at nakita na naghuhugas ng pinggan si Haya. Nilapitan naman nya ito agad habang nakangiti parin. "Hay, matutuloy na pag sali ko sa Pera o Kaldero," masayang ani ni Marikit kay Haya. Napatigil naman si Haya sa ginagawa nito at hinarap si Marikit. "Oh bakit? May na isip ka na bang plano o gagawin mo?" Tanong pa ni Haya. Naupo naman si Marikit sa upuan at hinarap si Haya. "Nasabihan ko na si Dave tungkol don diba naturuan nya pa nga ako eh pero hindi pa sya masyadong sigurado sa pag sali pero baka bukas sasabihin na nya sa akin kung sasali ba sya o hindi," ani naman ni Marikit. "Baka kase busy sya sa school nila kaya hindi sya masyadong interesado dyan eh. Pero na subukan mo na bang sabihin sa kanya na malaki yung premyo," tumango naman si Marikit sa sinabi ni Haya. Syempre hindi nya talaga makalimutan na sabihin yun kase yung pera at premyo naman talaga ang gusto ni Marikit sa larong iyun. "Sure na ako na sasali yun. Sabi ni Lola Cecelia kay Lola Karen eh kailangan daw nila ng pera para mapa aral yung bunsong kapatid ni Dave kaya alam kong sasali na talaga yun sa laro," saad pa ni Marikit. Malaki kase talaga ang maitutulong ni Dave sa kanya dahil alam naman nyang matalino at madali lamang ang larong Pera o Kaldero para kay Dave dahil sadyang matalino talaga ito. Habang nag uusap ang dalawa ay bigla namang pumasok si Dave sa kusina na ikinagulat nilang dalawa. 'Ang bilis naman kumain nito,' ani ni Marikit sa isip nito. "Ah... Mar, punta ako dito mamayang hapon pagkatapos ko sa school. Kailangan ko lang kausapin ka tsaka si Lola Karen," saad pa ni Dave. Agad namang tumango tango si Marikit at ngumiti. "Sige, kitakits mamaya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD