Habang tahimik na kumakain ang tatlo ay hindi naman nila maiwasan na tumingin sa isa't isa. Dahil sa tahimik ng kanilang mesa ay hindi na ito matiis ni Felix kaya nag salita na lamang sya. "Ah pre, kamusta nga pala si Marikit?" Tanong ni Felix kay Dave. Napansin naman ni Felix ang biglang pag titig ni Julia sa kanila kaya alam naman nya kung anong ginagawa nya. Napatingin naman si Dave kay Felix at tumigil sa pag yunga ng kinakain nito, "Sa susunod na araw na kami aalis. Wala namang may ano sa kanya na yun isa pa thankful din ako na niyaya nya ako na sumali. Ewan ko ba kung bakit 'di ako pumayag agad sa pag yaya nya nong una," saad ni Dave. Nag tataka naman si Julia na habang pinapanood sila na nag uusap at pinapakinggan ang dalawa. Matagal na rin nya gusto malaman kung sino itong Marik

