ISANG ngiti ng tagumpay ang sumilay sa labi ni Giovana nang tumawag sa kaniya si Nicholas ng gabing iyon. Nakakagulat lang dahil hindi na niya inaasahan na papayag ito sa gusto niyang mangyari. Ang tingin niya kasi kay Nicholas ay mahina ang loob at sobrang mahal si Ivana kaya hindi nito kayang saktan ang babaeng iyon. Kaya unexpected na sa wakas ay pumayag na ito. Naku-curious tuloy siya kung ano ang nagpapayag dito. Base sa boses ni Nicholas habang kausap niya ito kanina sa cellphone ay mukhang galit na galit ito. Pasinghot-singhot pa na parang umiiyak. To be honest, kinakabahan din naman siya sa gagawin nila ni Nicholas pero mas nananaig sa kaniya ang kagustuhan na magantihan sina Ian at Ivana. Ang gusto niya ay maibalik sa dalawa ang sakit na nararamdaman niya ngayon! Nagpunt

