“HINDI ko na kailangang ipagluto si Ian ng mga sinasabi mong pagkain dahil ako pa lang ay sapat nang reason para ma-impress siya sa akin at mag-stay. Saka never kasi akong nagkulang ng time kay Ian kaya hindi niya talaga ako iiwan!” buong pagmamalaking sabi ni Ivana kay Giovana. Napapalakpak si Giovana sa kaniyang tinuran. “Wow! Very confident naman this girl! Well, galingan mo na lang and goodluck—” Napahinto sa pagsasalita si Giovana nang may marinig silang ugong ng sasakyan sa labas. Kasunod niyon ay isang busina. “Si Ian na ba iyon?” “Siya na nga—ang boyfriend ko!” Mariin niyang sabi. “O, dito ka lang. Ako na ang magbubukas ng gate ng daddy ng magiging baby ko.” Hinimas-himas pa niya ang tiyan niya. “Kung makapagsabi ka naman ng dito lang ako. Feeling mo ba ay makikipag-unah

