“WELCOME to my new home!” buong pagmamalaking sabi ni Ivana nang buksan niya ang main door ng bahay na ibinigay sa kaniya ni Ian. Kasama niyang pumasok doon si Yssa at kitang-kita niya ang pagkamangha sa mukha nito habang iginagala nito ang mata sa kabuuan ng bahay. Siyempre, nagustuhan niya ang reaksiyon ng kaniyang kaibigan. “Wow! Pucha! Seryoso? Ibinigay ito sa iyo ni Ian?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yssa. Umupo ito sa sofa. “Ang lambot! Ibang-iba ka na talaga, Ivana. Iba na si Ivana!” Tinawanan niya ang sinabi ni Yssa. Mataray niyang hinawi ang buhok. “Of course! Buhay reyna na ako dahil kay Ian. Biruin mo, sa asawa niya dapat ito pero nagbago ang isip niya nang makilala niya ako. Ibinigay na lang niya sa akin. Iyon nga lang, disappointed pa rin ako kasi mas maganda pa ri

