Kinabukasan, inutusan ako ni Markie na magpakain ng mga manok na alaga niya dahil pupunta raw si Mang Lando sa farm kasi ay magha-harvest daw sila ng maraming saging at buko. Gusto ko nga sanang sumama kaso hindi pumayag si Markie. Sayang iyong maraming saging na puwede kong maiuwi, ah! Naalala ko pa iyong pag-uusap namin kanina. “Sephie,” sabi niya, habang iniikot ang tasa ng kape sa mesa, “may bago kang assignment ngayong araw.” Napalunok ako. Assignment? Para namang student assistant ang role ko dito. Pero tumango ako, handang harapin ang anumang trabaho na gusto niyang ipagawa para lang makabayad ako sa milyones na utang ko. Lintik na manok kasi talaga iyon, eh. Kung bakit ba naman pagkamahal-mahal! “Pakainin mo ang mga hayop sa likod-bahay,” utos niya. “Hayop, Sir?” tanong ko, sab

