Hindi ko mapigilang matawa nang malakas pagkalabas ko pa lang ng study room ni Alexander. His reaction was priceless. Parang tinamaan ito ng kidlat nang mabilis akong humiwalay sa kanya. I never thought he could make a face like that. It was priceless. Nakangiti akong naglakad papunta sa hagdan. Hindi ko inaakala na ganito pala kasaya kapag inasar mo ang taong palaging nang-aasar sa iyo. It's making me feel satisfied, from head to toe. I wanna do it again. Habang ako ay pababa ng hagdan ay nakita ko si Emily. Kumunot ang aking noo nang makita ito sa baba. Isa siya sa mga kasambahay sa mansion ni Alexander. Apo ito ni manang Emily. Tahimik itong naghihintay sa dulo ng hagdanan. It looks like she's waiting for someone. "Emily! What are you doing there?" tawag ko sa dalaga. Napaigtad ito

