"Alexander! Where are we going?" Nakakunot noong tiningnan ko ang likod ng lalaki. Magkahawak ang aming kamay habang hinihila niya ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero para itong nagmamadali. Tahimik kaming naglalakad sa corridor ng mansion ng mga Flores. Tahimik at walang ka tao-tao ang paligid. Tiningnan ko ang daan na binabaybay namin. It looks like we're leaving using the back door. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi man lang niya sinabi sa akin na aalis na pala kami. May gusto pa sana akong gagawin at siguraduhin. Gusto kong masiguro na naaresto talaga si Liam ng mga polisya. There's a lot of things going on inside my mind. The scene earlier is still fresh. Hindi ko inaakala na gagawin 'yon ni Alexander. Alam kong hindi basta-basta nagagalit si Alexander at nagtatapon

