Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na magiging reaksyon ko matapos marinig ang sinabi ni Alexander. Gulong-gulo pa ang aking isip samahan pa ng gulat nang makita na lang bigla ang lalaki sa aking harapan. Kahit na hindi ko man sabihin ay alam ko sa aking sarili na may parte sa akin na masaya dahil nahanap niya ako. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na sa mga nakalipas na araw na nandito ako ay masaya lang ako. Wala atang araw na hindi ako nasasaktan. Minsan ay naiiyak na lang ako sa sakit pero pinipigil ko ang aking sarili na mag breakdown. Tuwing gabi ay nahihirapan din akong matulog dahil sa rason na namimiss ko ang lalaki at gusto kong makatabi ito sa pagtulog. Sa mga araw na nandito ako ay wala atang araw na hindi ako umasa na sana ay hanapin ako ng lalaki at kunin. Pero nang l

