When I woke up again after losing my consciousness, an unfamiliar white ceiling welcomed my gaze. Kumunot ang aking noo at mabilis na nilibot ang aking paningin sa paligid. Ang pamilyar na kagamitan na nasa hospital lang makikita at ang damit na sinusuot ng mga pasyente na nakasuot din sa akin ngayon ay nagbigay sa akin ng ideya na nasa hospital pala ako ngayon. Why am I here anyway? The last thing I remembered is that I was talking to Alexander. Pagkatapos no'n nang malapit na ako sa hagdanan ay bigla na lang umikot ang paligid at dumilim ang aking paningin. 'Yon lang ang huli kong naaalala at ngayon na paggising ko ay nandito na ako ngayon sa hospital. Nakahiga sa isang kama. Hindi kagaya sa isang normal na silid sa isang hospital na marami akong kasama, ngayon ay ako lang ang pasyente

