CHAPTER 15

2907 Words

Naalimpungatan ako dahil sa mabining paghaplos sa aking pisngi, tinabig ko ito at tumalikod ng higa ngunit maya maya pa ay nakaramdam naman ako ng masuyong pagsuklay sa aking buhok. Ngayon tuluyang nagising ang aking diwa at naramdaman kong hindi lang ako ang nagiisa sa kwartong ito at may kasama ako. Pinilit kong imulat ang aking mata ngunit wala akong ibang makita kundi kadiliman dahil maliit na liwanag lamang ang nagmumula sa bintana at hindi sakop ang buong kwarto upang makakita. Nakaramdam ako ng paggalaw sa aking tabi na parang tumabi sa akin ibig sabihin nasa likod ko siya kanina at ngayon naman ay nasa tabi ko na. Nakaramdam ako ng kaba ng biglang pumulupot ang mga braso nito sa akin dahilan upang pumiglas ako. "Shhhh... Honey its me." Natigil ako sa pagpiglas ng marinig ko ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD