Jaiden POV
Wala na akong nagawa kundi magpakalasing wala naman mag aabalang mag alala sa akin kasi kahit asawa ko mismo sumuko na
Sino ba naman ako isang gago lang ako na pinagtulakan siya para iwan ako
"Hi babe "bati sa akin ng babae sabay pulupot ng braso niya sa akin ininom ko ang alak ko
" Leave" mariin kong sabi ayoko muna ng babae dahil kahit kailan walang makakatumbas sa asawa ko walang makakatumabas sa tazhia ko
"Pero babe d-"hindi ko na siya pinatapos at inalis ko ang braso niya na nakapulopot sa akin
" Leave I don't need you" wala na siyang nagawa kundi umalis ng galit wala akong paki alam masyado siyang malandi para subukan ko
Inibos ko na ang alak ko at umalis gusto ko ng umuwi gusto ko panaginip na lang ito, panaginip na sana hindi niya na ako iniwan
Kahit nakainom ako hindi pa naman ganito kalakas ang tama ko dumiretso ako sa bahay walang tao
Wala ang asawa kong hinihintay ako kahit antok na antok na siya, wala ang asawa kong pagtitiisan ako kahit tinutulak ko na siya, wala ung asawa kong handang masaktan basta maalagaan lang ako at ngayon iniwan niya na ako, iniwan niya ang gagong katulad ko
Iniwan na ako ng babaeng hinihintay ako, iniwan ako ng babaeng pinagtitiisan ako, iniwan na ako ng babaeng sinasaktan ko dahil sa larong ginawa ko
Pumasok na ako sa loob at humiga parang walang saysay ang buhay ko ng unti unti siyang nawala
Balang araw magiging masaya ka din
Masaya ba ako tazhia? masaya ba akong iniwan mo na ako?
Jaiden hindi kita iiwan kahit ipagtulakan mo pa ako kasi kahit kunti na lang ang pagasang natitira ako kakayanin ko para sayo
Hindi iiwan? bakit sumuko ka na? akala ko ba kakayanin mo? akala ko kahit ipagtulakan kita may pagasa pa para kayanin mo para mahalin pa ako?
Jaiden karamay mo ako, oo saktan mo ako kahit anong gawin mo sa akin hindi magbabago ang pagmamahal ko ganoon kita kamahal, hindi kita susukuan kahit anong mangyari mamahalin at mamahalin parin kita
Mahal? bakit ang dali mong sumuko? bakit ang dali mong iwan ako ng salitang pagmamahal kung sayo din naman manggaling ang salitang sinasaktan? bakit hindi mo pa ako natiis ngayon pagkakataon na ito? Bakit ang hirap isiping hindi na kita karamay kasi nagbago na ang lahat ng sumuko ka?
Nagsisi akong minahal kita
Akala ko ba mahal mo ako bakit ngayon nagsisi ka? bakit ngayon sumuko ka ng pagmamahal mo dahil sa nagsisi ka?
Sabihin mo lang na mahal mo ako babalik ako sayo, babalikan kita asawa ko
"Mahal kita tazhia ngayon nasabi ko na bumalik ka na sa akin balikan mo na ako" mahing sabi ko hindi ko na alam ang ngyayari sa akin basta ang alam ko tumulo ang luha ko sabihin man ninyo ako ng bakla hindi masama sa lalaki ang umiyak lalot na mahal mo ang iniiyakan mo
Hindi ko namalayan napukaw na ako ng antok
*****************
Nandito ako sa tapat ng bahay nina tazhia
"Gusto ko makausap si Mr and Ms Valdez papasukin mo ako"
Utos ko sa katulong nila umiling lang ito
" Bawal po ayaw po nila mag pa istorbo "agad kong hinawakan ang gate at kinalampog ito kung kailangan kong sirain ito gagawin ko malaman lang kung nasaan ang asawa ko
"Sir tama na po"hindi ko siya inintindi at lalong linakasan ang pagkakalampog sa gate
"Lumabas kayo jan" sigaw ko patuloy lang ako sa pagwawala ng lumabas sila
"Jaiden wag kang gumawa ng gulo dito" sigaw ng papa ni tazhia agad akong tumigil at tinignan sila
"Sabihin niyo kung nasaan ang asawa ko" sigaw ko halata namang galit ang papa ni tazhia
" Pinagkatiwala ko sayo ang anak namin pero sinaktan mo lang kaya wala kang asawa dito hinding hindi ko sasabihin kung nasaan ang anak ko" mariing sabi ng papa ni tazhia alam ko wala akong karapatan sumugod sa kanila pero asawa din ako gusto ko makita ang asawa ko gusto ko siyang makasama at ang anak ko
"Nasaan ang asawa ko" sigaw ko pero wala silang nagawa kundi sabihin sa akin wala akong mapapala kahit sumigaw at magwala ako dito dahil hindi nila sasabihin kung nasaan si tazhia naiwan ako dito sa labas na hindi alam ang gagawin nasaan ka ba?
Pumasok na ako sa kotse at pinaandar ito
Bumalik ka na tazhia hindi ko na alam ang gagawin ko
Tazhia bumalik ka na
Pangako pag bumalik ka ako naman magpaparanas na mahalin ka, ipaparanas ko sayo kung paano mo ako minamahal kaya bumalik ka na sakin bumalik na kayo ng anak natin
Nagising na lang ako sa sasakyang halos prumeno na maiiwas ko sana kaso huli
Tazhia kailangan kita
Tuluyan na ako nawalan ng malay
Tazhia POV
Agad kong sinalinan ang baso ng tubig nauuhaw kasi ako
Pero sadyang natabig ang baso at tuluyan ng nabasag
Agad akong kinabahan, bakit feeling ko may ngyari masama?
Napukaw ako sa isang tunog kinuha ko ang cellphone at nakita kong tumatawag si Stella ang isa ko pang kaibigan
"Hello"
(Tazhia, s-si)
Sa boses niya halatang kinakabhan at hindi siya makapaniwala
Lalong dumagdag ang kaba ko hindi ko alam kung bakit
" ano ngyari?"
(Tazhia si jaiden na a-aksidente)
Nabagsak ang cellphone ko napakapit ako sa upuan na aksidente?
Tazhia kailangan kita
Hindi ko alam kung saan ko narinig un pero
Kailangan ako ni jaiden....
Kailangan ako ng asawa ko.... kailangan niya ako....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wait the next chapter