Parang lutang si Arwena habang hila-hila ni Mr. Tan palabas ng coffee shop. Naririnig niya ang pagtawag sa kanya ng Mama Lorna niya, pero parang nawalan siya ng kakayahan na lingunin ito. Nasa kamay niya na hawak-hawak ni Mr. Tan napako ang tingin niya. “Arwena, ano ba ang nangyayari?” pabulong na tanong ng Papa niya. Parang naalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog si Arwena. Paulit-ulit siyang napakurap sabay bawi sa kamay niya na hawak-hawak ni Mr. Tan. “W-wala po," sagot niya, pero ang tingin ay na kay Nathan na mahimbing na natutulog habang karga ng Papa niya. Sandali niya ring nilingon si Mr. Tan. “Good evening po," magalang na bati ni Mr. Tan sa matanda, pero ang tingin ay nasa batang karga nito. Mabuti na lang at tulog na si Nathan. Kung nagkataon na hindi, madadagdagan

