Nanlaki ang mga ni Arwena sa mapangahas na ginawa ni Mr. Tan. Gusto niya itong itulak pero ang higpit ng paghawak nito sa batok niya habang sinisiil ng halik ang labi niya. Hindi man lang niya magawang ipikit ang mga mata. Wala rin siyang ibang nararamdaman kung hindi hiya. Nahihiya siyang makita ang mga tao na halatang nagulat din sa palabas ni Mr. Tan. Sinubukan niya itong awatin sa pamamagitan ng pagtiim ng labi. Pero wala iyong silbi dahil nagpatuloy pa rin si Mr. Tan sa ginawang paglasap sa labi niya. Bahagya niya itong itinulak sabay ang pabulong na sabi, “Mr. Tan, ano ba?" Sa wakas ay nagawa niya ring magsalita kahit kinakapos sa paghinga. “Sira-ulo ka—" hindi niya natapos ang pagsasalita dahil bigla na naman nitong sinakmal ang labi niya. “Tumahimik ka muna." Pigil ni Mr.

