Kabanata 50 Support

1095 Words

“Archie!" sabay na bulalas ni Arwena at Mr. Tan. Sabay din silang lumingon kay Archie na ngayon ay nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. “Parang magnet, dikit na dikit?" sabi pa ni Archie habang na kay Arwena na ang tingin. "Landi mo, girl!” dagdag nito, pero kumibot lang ang labi. Wala ni kaunting boses na lumabas mula sa bibig, pero basang-basa pa rin ni Arwena ang kada buka ng labi ng kaibigan na may kasabay na tirik ng mga mata. Agad namang lumayo si Arwena kay Mr. Tan. Tumikhim at lumapit kay Archie. Sikreto nitong tiniim ang labi at pinandilatan ang kaibigan na kagigising nga lang, pero wagas na kung tuksuhin siya ng palihim. Panay tirik pa rin ang mga mata nito. Mabuti na lang at hindi makatingin sa kanya si Mr. Tan, na ngayon ay hindi alam kung iiwas ba ng tingin o yuyuko na l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD