Parang bumahag ang buntot ni Mr. Tan habang papasok sila ni Ted sa isang fine-dining restaurant, kung saan sila mag-meet ng dating girlfriend at manager nito. Hindi sa kinakabahan siya, o dahil may feelings pa siya kay Janica. Hindi lang siya komportable, at hindi maganda sa pakiramdam niya na makita ang babae na minahal niya, pero nagawa niyang saktan ng basta lang. Ang daming babae ang pinaiyak ni Mr. Tan noon, lalo na no’ng bata-bata pa siya, at si Janica ang huling pinaiyak niya—ang huling babae na alam niya na sobrang nasaktan at gumuho ang mundo dahil sa ginawa niya. “Mr. Tan, ayos ka lang po ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Masakit ang tiyan? Masakit ang ulo o natatae ka? Ang lamig naman dito, pero pinagpapawisan ka." Puna ni Ted sa boss niya. Pinahid niya pa ang pawis sa no

