“Mr. Tan," sabi ni Arwena, sabay na rin ang pagbitiw nito kay Archie, na parang naiinis nang makita si Mr. Tan. Nagtangis pa ang bagang nito. Galit na galit na parang gustong sugurin si Mr. Tan. Kung hindi nga lang ito kaibigan ni Arwena ay pinagtabuyan na niya ito palabas ng coffee shop. Kota na kasi siya gulo at sakit ng ulo. Matapos ang sandaling titig kay Mr. Tan ay nagawa rin ni Archie na lingunin si Arwena. “Kilala mo siya?" tanong ni Archie na biglang naging baretono ang boses. Lalaking-lalaki na ito, na sandaling ikinagulat ni Arwena. Pero mga mata naman nito ay hindi na maperme. Tipid namang napangiti si Arwena, ito nga kasi ang napag-usapan nila Archie. Magpapanggap ito na fiancee niya at siyang ama ni Nathan. “Bakit kayo magkakilala, Wena?" tanong ulit ni Archie na parang

